Sunday , December 22 2024

Bahala na si Lord sa inyo, busy ako (Patutsada ni PNoy sa kritiko)

ITO ang patutsada ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mga kritiko na kanyang paulit-ulit na binatikos sa kanyang pagsasalita sa harap ng Filipino community sa Tokyo, Japan kamakalawa.

“‘Yung mga kritiko ho natin may industriya na ho sa Pilipinas … na sa totoo lang ho… hindi ba ang dali naman sumulat ka sa papel, banat ka.

“Talagang kami ho tuksong-tukso (na sabihin) kayo nga kaya pumunta rito at subukan n’yo magagawa n’yo, di ba? Problema ho ni ayaw tumakbo,” pahayag ni Aquino.

Ang administrasyong Aquino ay dinagsa ng mga batikos kaugnay sa sinasabing mabagal na pagtugon makaraan ang pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao. Bago ito, binatikos din si Aquino kaugnay sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program.

Kung paano niya hinaharap ang mga kritisismo, sinabi niya: “Sa totoo lang ho, feel na feel ko po talagang isang malaking karangalan na mamuno ng isang sambayanan na maraming pagsubok na dinaanan, nadadapa, bangon, at palaban pa rin.”             (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *