Thursday , January 9 2025

Anak ni mayor pinagsayaw sa bala ng parak

KALABOSO ang 27-anyos rookie police ng Montalban na nagpa-convert bilang Muslim ngunit napraning, dahil isang linggong hindi kumain, makaraang pasayawin sa bala ang anak ng alkalde ng Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, ang suspek na si PO1 Roderick Enrique y Cesesta, nakatalaga sa Rodriguez Police Station, nakatira sa Sitio Saba, Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan.

Pormal na nagreklamo laban sa suspek ang biktimang si Patrick Hernandez, 26, anak ni Rodriguez Mayor Cecilio Hernandez at nakatira sa #523 Ayuson St., Sitio Saba, ‘di kalayuan sa bahay ng akusado.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 12:30 p.m. kamakalawa nang mangyari ang insidente sa Ayuson St., Sitio Saba matapos akusahan ng suspek ang ilang kalalakihan na naglalaro ng ilegal na cara y cruz.

Agad nagtakbohan ang mga lalaki ngunit hinuli ng suspek ang biktima na noon ay napadaan lamang.

Bunsod nito, nagkaroon ng manitang pagtatalo ang biktima at ang suspek hanggang bumunot ng baril ang pulis at dalawang ulit na binaril sa tabi ng paa si Hernandez saka pinagbantaang papatayin.

Makaraan ang insidente ay humingi ng tulong ang biktima sa opisyal ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.     (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *