KUNG peace & order at vices sa Maynila ang pag-uusapan natin ngayon, e hindi lang ‘yung apat na station commanders ang dapat sibakin.
Dapat lahat!
O kaya dapat si MPD district director Gen. Isagani Genabe na ang palitan.
Pasintabi lang po …
‘E kahit saan naman po kayo magpunta ngayon dito sa Maynila, hindi maikakaila ang mas talamak na 1602 lalo na ang BOOKIES ng karera, ng antigong gambling lord (GL) na si alias BOY ABANG SIMBULANG gayon din ang 1602 ni Edna/Enteng, D. Rosario at Tata Lespu Paknoy.
Hindi kaya alam ni Gen. Genabe na isang alyas Philip ang naghahatid ng TIMBRE ni Boy Abang sa halos lahat ng unit at estasyon ng MPD.
Sa iyo kaya, General, may nakararating ba sa iyo?!
E ‘yung PATAYAN at DROGA naman sa BASECO, General Genabe?
Mayroon ka na bang naisip na solusyon kung paano wawakasan ang talamak na patayan at shabuhan sa BASECO?!
E mantakin ninyong mas makapangyarihan pa sa PULIS ang MASASAMANG LOOB d’yan sa BASECO.
Hindi kaya, maging mas epeketibo pang law enforcer ang mga gun for hire d’yan sa BASECO, kasi mas may BALLS sila kaysa mga lespu na nakatalaga d’yan?!
Buti pa ‘yang mga gun for hire, anytime of the day, ay nakapag-i-execute ng plano nilang maglikida ng mga taong iniuupa sa kanila.
E ‘yung mga pulis, hindi makapag-execute ng SECURITY PLAN laban sa mga kriminal.
SONABAGAN!!!
E ‘yung talamak na PANGONGOTONG ng ilang pulis, MTPB at MPD-TEU? Natigil na ba?!
Hilahod na ang mga JEEPNEY DRIVERS!
‘Yung MASA-mang UNIT sa City Hall na panay ang huli ng mga delivery van ngayon sa Divisoria at parang CUSTOMS na iniinspeksiyon ang mga item …
Alam kaya ‘yan ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr.?
Major Irinco, taga-Customs na ba ‘yang mga bata mo. Alam mo ba ‘yun?
Sabi nga ng mga urot sa MPD-HQ, hindi lang apat na station commanders ang dapat SIBAKIN sa Manila Police District (MPD) lahatin na at sumama na rin si Gen. GENABE.
Ay sus!
GOOD RIDDANCE SECRETARY RICKY CARANDANG
NAGBITIW na (sa wakas?) si Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) chief, Secretary Ricky ‘ces’ Carandang.
Maliban sa pahayag na ginawa na raw niya ang kanyang tungkulin, wala nang iba pang sinabi si Carandang kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.
Epektibo na ang kanyang resignasyon hanggang Disyembre 31. At pagkatapos nito ay lilipat na siya sa isang pribadong kompanya (o balik ABS CBN?)
GOOD RIDDANCE ba ito?!
Ano ba ang ginawa o nagawa ni Carandang sa PNoy administration?! Mayroon bang naaalala ang sambayanang Pinoy na ginawa niya para sa bayan o pagandahin at idepensa ang mga bumabatikos kay PNoy?!
‘E ‘di nga ba’t sumikat nga lang siya dahil sa pagbili ng mamamahaling GADGET (Mac computers) para sa opisina n’ya sa Malacañang, ‘di ba?
How about, madam Abigail Valte, Secretary Lacierda at Secretary Sonny ‘Colocoy’ este Coloma, kailan naman kaya sila papalitan?!
O kailan kaya sila magre-RESIGN?!
Pansamantala umano, si Undersecretary Manolo Quezon ang mag-o-oversee sa operations ng PCDSPO.
Magkaroon naman kaya ng malaking shake up sa Communications Department ng Malacañang?!
‘Yan po ang aabangan natin.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com