Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, namimili pa kung ABS-CBN o TV5 pipirma ng kontrata

INAMIN sa amin ni Betchay Vidanes na wala pang pinipirmahang kontrata si Robin Padilla dahil namimili pa between ABS-CBN at TV5 na nagpadala na ng kontrata.

“Siya ang bahalang  mamili at mag-decide, basta ako, noong ipadala sa akin ang draft contract, ibinigay ko sa kanya at hahayaan ko siyang magdesisyon. Basta ako, kung saan siya masaya, roon ako,” kuwento sa amin ng manager ng aktor.

Maganda raw ang offer ng dalawang TV network at malaki ang talent fees kaya tinanong namin kung bakit nagpapatumpik-tumpik pa si Robin.

“Naku, tapos na siya sa mga ganoon na malalaki ang kita, gusto niya ‘yung kuntento siya at masaya siya. Hindi rin niya type sumuweldo ng walang ginagawa, gusto niya, pinaghihirapan niya.

“Kaya bahala siya mag-isip kung ano pipiliin niya, ang ABS o TV5,” pagtatapat sa amin.

Teka, wala bang offer ang GMA 7?

“Hindi naman sila naglatag pa, wala silang ibinigay na kontrata, so walang offer,” sabi sa amin.

May nagsabi, balik- GMA na ang aktor at kasama sa serye ng anak niyang si Kylie?

“Sabi nila mag-guest daw, eh, depende sa role, kasi ‘yung offer na tatay siya ni Kylie sa ‘Adarna’, eh, mamamatay naman siya, ayaw naman ng lolo mo ‘yun, siyempre gusto niya buhay siya.

“Kaya hindi niya type ‘yun, pero kung may i-offer daw na maski maliit na role pero maganda, okay sa kanya, eh, so far, wala pa naman,” kuwento ng manager ng aktor.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …