Friday , November 15 2024

Estudyante comatose sa DepEd boxing match

121213_FRONT
NA-COMATOSE ang isang 16-anyos high school student makaraang lumaban sa  boxing match sa regional athletics tournament ng Department of Education sa Iba, Zambales nitong Lunes.

Sa inisyal na ulat, si Jonas Joshua Garcia, 16, ng San Miguel, Bulacan ay lumaban sa boxing match sa Central Luzon Regional Athletic Association meet ngunit dumaing ng pagkahilo sa ikalawang round.

Agad ipinatigil ang laban at isinugod si Garcia sa provincial hospital.

Ayon sa admitting physician, si Garcia ay dumanas ng internal hemorrhage at ngayon ay comatose na.

Itinanggi ng mga organizer ng athletic meet at tournament manager na nagpabaya sila sa insidente at idiniing ito ay aksidente lamang.

Bunsod nito, iniatras ng Bulacan team ang lahat ng kanilang 10 amateur boxers mula sa tournament.

Iminungkahi rin ng team sa DepEd superintendent na alisin na ang lahat ng combative sports katulad ng boxing , taekwondo at arnis sa lahat ng athletic events ng DepEd.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *