DITO lang talaga sa Philippines my Philippines kakaiba ang public service.
Mantakin ninyong sa gitna ng kalamidad at delubyo ay pinag-uusapan pa ang isyung ROMUALDEZ at AQUINO?!
Ito ang eksaktong statement ni SILG Mar Roxas:
“You have to understand you are a Romualdez and the President is an Aquino. He has to be very careful. The national government, we have to be very careful just taking over because the President does not want to be misconstrued na nang-aagaw ng kapangyarihan (as usurping power).”
Ang tanong natin, ano ba ang ite-take over?! At bakit kailangan mag-take over?
‘E nagdeklara nga ang Pangulo ng “STATE OF NATIONAL CALAMITY” ‘di ba?!
Ibig sabihin, nasa national government ang responsibilidad para i-rescue ang mga kawawa nating kababayan na nasalanta na nga ang mga ari-arian ‘e namatayan pa ng mga mahal sa buhay.
Bakit kailangan pag-usapan kung Romualdez o Aquino ka?! Hindi ba’t mayroong EMERGENCY SITUATION?
Mayroon matinding pangangailangan na i-rescue ang mga tao at dalhin sila sa isang SHELTER o EVACUATION AREA kung saan sila pansamantalang mananahan.
Pero dahil sa bangayang politikal, ilang araw nagkalat at naglisaw ang mga taong buhay at mga bangkay sa lansangan.
Dinaig talaga ang pelikulang ZOMBIES.
Kahit sinong tao ay hindi kayang imadyinin kung paano mabuhay sa isang lugar na nagkalat ang bangkay. Walang pagkain, walang tubig, walang ilaw at higit sa lahat walang makapitan na sino man.
Sabi nga no’ng ibang nakaligtas, may pera nga sila pero wala namang mabili. Ano ang saysay?!
Walang saysay ang salapi ng mga oras na iyon, dahil ang kailangan nila ay tulong, pagdamay, pagliligtas at evacuation na tungkulin at dapat gampanan ng national government.
Kaya pwede ba, Mayor Alfredo Romualdez, SILG Mar Roxas, magtrabaho kayo pareho, huwag kayong magsisihan at magturuan.
Mahiya kayo sa mga “FOREIGN AID” na dumarating at walang tigil sa pagtatrabaho para muling makabangon ang TACLOBAN.
Puro kayo satsat, e mukhang pareho naman mabibigat ang mga puwet ninyo!
KEEP YOUR BIG MOUTH SHUTS!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com