Thursday , January 9 2025

73-anyos landlord niratrat sa internet shop

Patay ang 73 -anyos landlord, matapos pagbabarilin  sa tapat ng internet shop ng dalawang lalaki na nakasakay sa tricycle, sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng SIDMB ng Pasig City Police ang biktimang si Rodolfo Oregas, negosyante, residente ng  #176 Dr. Pilapil St., Brgy. Sagad, sa nasabing lungsod.

Tumakas ang mga suspek sakay ng kulay orange na tricycle may body no. 328.

Sa ulat, naganap ang pamamaril dakong 4:00 ng madaling araw sa Dr. Pilapil St., tapat ng A-Site Internet Café, Brgy. Sagad.

Ayon sa isang parokyano ng internet shop, nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril at kanyang nakita ang suspek papasakay sa isang tricycle, nakasuot ng itim na jacket at sombrero, may bitbit na baril.

Nakita rin ng testigo ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa kalsada na tila patay na.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pitong tama ng bala ang nakita sa katawan ng biktima sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ang biktima ay may-ari ng mga paupahang apartment sa nasabing lugar.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya para mabatid ang motibo ng pamamaslang at para matukoy ang mga suspek mula sa kuha ng CCTV camera.

ni MIKKO BAYLON

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *