BAGAMA’T ang kombinasyon ng red and green ang traditional color combination para sa Christmas – ang green bilang wood feng shui element color at ang red kumakatawan naman sa feng shui energy of fire – mayroon pang ibang popular color combination para sa Christmas na kaiga-igaya.
Ang kombinasyon ng white (o silver/gray) at blue ay nagiging popular na rin sa Christmas decorations mula sa punto ng feng shui, ang kombinasyon ng mga kulay na ito ay nagpapakalma sa panahon na kailangan mong maging kalmado at payapa.
Ang white o silver/gray ay kumakatawan sa kalinawan ng metal feng shui element habang ang blue ay nagdudulot ng calming energy sa water feng shui element.
Ito ay nagdudulot ng perpektong karagdagan sa wood element ng Christmas tree at fire element ng Christmas lights and candles. Maaari ring magdagdag ng kaunting earth feng shui element upang maging balanse ang presensya ng limang elemento.
Ang totoo, may nabubuong higit na fire element sa panahon ng Kapaskuhan (kabilang dito ang enerhiya ng human emotions) kaya dapat na limitahan ang bilang ng red color Christmas home decor elements.
Lady Choi