Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtanggal sa mga career customs official sa kanilang mga plantilla positions by the Department of Finance. And assigning them all at CPRO (CUSTOMS POLICY RESEACH OFFICE).
Ang nakapagtataka sa nangyayaring ito ay wala man lang naitulong ang CIVIL SERVICE COMMISSION to protect itong mga opisyal sa Bureau of Customs na under sa kanilang mandato.
CSC was created to give protection sa mga taong gobyerno e bakit ngayon walang naitulong sa kanila. Why nga ba?
Hindi naman kaya natatakot na baka pati sila ay madamay sa sinasagawang paglilinis o reporma ng ating President?
Ang mga ipinalit kasi sa mga BOC District Collectors sa mga FORT ‘este ‘PORT ay mga retired general o military officials.
E hindi ba civilian in nature ang position na ‘yan sa Customs? Itong bang nilagay na mga OIC ay mga ceso holder?
Under the law,ang mga position na yan ay dapat may CESO at Civil Service eligibility.
Qualified for the position ba ang mag ito which is mandated by Law?
Sa isyung ito ay kumilos na ang ilang Mambabatas under the House ways and means para alamin kung qualified nga ang mga taong inilagay ng Department of Finance sa mga sensitive position sa BOC.
Kung lahat naman sila ay presidential Appointee ay no question ask na tayo.
‘E ang tanong nga ng BOC rank & file employees,appointed ba sila ng presidente o ng Secretary of Finance lang?
May full authority ba ang Secretary of finance under the law given to him of the executive order E.O. 139-140?
Ang tanong: Ito bang mga bagong official sa BOC ay makakatulong ba sa to increase the REVENUE COLLECTION and stop GRAFT and CORRUPTION including SMUGGLING?
‘Yan ang tututukan natin, pare ko!
Ricky “Tisoy” Carvajal