Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PDEA agent at inmate nagbebenta ng shabu

Isang kababalaghan nanaman ang bumabalot ngayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa pangunguna ni Director General Arturo Cacdac. Mantakin ba naman ninyo, mga kanayon, isang pulis na ahente ng PDEA at isang high-profile drug inmate ng ahensiya ang nahuli na nagbebenta ng shabu sa aming lalawigan sa Nueva Ecija! Opo sa Cabanatuan noong Disyembre 3 ng madaling araw nasakote ng mga operatiba ng Cabanatuan Police sina PO2 Fraklin Ariap at “agent” Jean Granada.

Mabuhay kayo, mga sir at ma’am sa NEPPO!

Ayon sa aking mga IMPORMANIAC  sa PDEA, si Ariap daw ay kamag anak ni Cacdac pero hindi malaman kung ano eksakto angf relasyon ng dalawa. Hmmm. Pero ang ipinagtataka ko eh kung paano nagign ahente itong ungas na si Granada eh kilala koi to noong hinuli sila nina Gen. Dionisio Santiago noon 2006 matapos nilang pagnakawan ng 7 kilo ng shabu ang PDEA. Yes, mga kanayon, naroon ako ng gabing nahuli sa SM Fairview si Supt. Jerome Mutia, dating hepe ng Special Enforcement Services ng PDEA.

Kasabwat sa nakawan ng shabu nina Mutia at Granada na dating security guard sa ahensiya sina Supt. Gustavo Torres, chief ng Administration and Human Resource Department; C/Insp Arsenio Tancinco;  Inspector Joferdy Padillo na datingnaka assign sa PDEA laboratory services.

Tsk. Tsk. Lahat po sila dating mga taga PDEA. BANTAY SALAKAY!

May isa pang kasamahang guwardiya si Granada na sangkot din. Si Oliver Fernandez na ngayon ay nahaharap sa sandamakmak na kaso kaugnay sa shabu theft.

Ngayon ang mahiwagang tanong: KUNG NAKAKULONG  AT MAY KASO SI GRANADA, PAANONG NAKAPAGBENTA NG SHABU ANG UGOK NA ITO? ABER! Pakisagot nga po Dir. Randy Pedroso ng PDEA IIS. Mukang napapaikutan ka ng mga milagrosong ahente riyan sir ah. Hmmmm…

Ayon sa ating source, kakapirma pa lang daw ng extension ng detail ni Ariap sa ahensiya. Mantakin mo nga naman. Nasira pa ang pangalan ng PDEA dahils kabugukan ninyo. Talaga naman!

Anyway, humanda kayo kay Judge Alexander Balut ng QC RTC Branch 76. Hindi niya alam ang mga nangyayari diyan. Balita ko ey nadeny ang aplikasyon ni Granada na maging state witness. Paanong magiging state witness ang isang AGENT CUM DRUG PUSHER!?

Wakanabits!

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …