Sunday , December 22 2024

Parole ni Leviste gustong bawiin ni PNoy

121013_FRONTe

IKINAGULAT ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang parole na ipinagkaloob ng Board of Parole and Pardons (BPP) kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste.

Sinabi ni Pangulong Aquino, bagama’t sinasabing nasunod ang proseso at nilalaman ng batas ngunit baka may mali sa pagpapatupad ng “spirit of the law.”

Ayon sa Pangulong Aquino, paano masasabing nagpakita ng “good conduct” si Leviste gayong nasa labas ng kulungan habang isinisilbi ang hatol.

Bukod dito, naging kontrobersyal din noon si Leviste matapos mabulgar na nakapaglalabas-masok siya sa National Bilibid Prison.

Kaugnay nito, iniutos ng Pangulong Aquino ang pag-review para mabawi ang parole kay Leviste.

Paliwanag ng Presidente, kaya niya ipinarerepaso ang iginawad na parole kay Leviste upang mabatid kung maaari pa itong mabawi.

Si Leviste ay nahatulan ng 12-taon pagkakakulong sa kasong pagpatay sa kaibigan at aide na si Rafael de las Alas.

Noong 2011, muling naging kontrobersyal si Leviste matapos mahuling labas-masok sa Bilibid.

Ngunit ayon sa Parole and Probation Administration, inabswelto ng Makati Regional Trial Court si Leviste sa kasong evasion of service of sentence o paglabag sa Article 157 ng Revised Penal Code.

PAROLE KAY LEVISTE LEGAL — DoJ

Kombinsido si Justice Secretary Leila de Lima na lehitimo ang pinagbatayan ng Board of Pardons and Parole (BPP) sa paggagawad ng parole kay dating Batangas Governor Antonio Leviste, kaya napalaya sa National Bilibid Prison (NBP) noong nakalipas na linggo.

Dalawang oras na pinulong ni De Lima ang mga opisyal ng Bureau of Corrections at BPP kahapon, kasunod ng utos na imbestigasyon ni Pangulong Aquino sa paglaya ni Leviste.

Sa kanilang pagpupulong, nanindigan ang BPP na nakatugon si Leviste sa lahat ng requirement para sa parole.

Hindi ginawang batayan ng disqualification sa kanyang parole ang nabuking na paglalabas masok niya noong 2011 sa NBP dahil inabswelto siya ng hukuman sa kasong evasion of service of sentence.

Kaugnay sa administratibong pananagutan ni Leviste dahil sa kanyang paglalabas-masok sa Bilibid, pinatawan na siya ng Board of Discipline ng NBP ng parusang grave misconduct.

Bahagi ng penalty ng Board of Discipline ay ang pag-aalis sa ilang pribelehiyo ni Leviste bilang bilanggo, ang kanyang galaw sa loob ng Bilibid ay hinigpitan at ibinawas din ito sa kanyang good conduct time allowance.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *