Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangakong bonus ni Willie sa staff, ibinigay na! (Nagkaroon lang ng aberya, kaya na-delay)

NAG-REACT ang kampo ni Willie Revillame sa nasulat namin dito sa Hataw na hindi tinupad ng TV host ang mga pangako niyang tulong sa mga empleadong nawalan ng trabaho ng mawala ang programang Wowowillie sa TV5.

At dahil sa nasulat ay nakatanggap daw ng mensahe ang lahat ng mga dating empleado ni Willie na makukuha nila ang kabuuang suweldo noong Biyernes, Disyembre 6 sa Delta Theater.

Sabi sa amin ng isa sa tinext, “pumunta raw kaming lahat sa Delta studio, siyempre excited kaming lahat, maaga pa lang nandoon na kami, eh, lumipas na ang tanghalian at meryenda, wala namang ipinadala si kuya (Willie). Naghintay pa kami hanggang alas singko (hapon), wala pa rin.

“Kaya namin pinasulat dati ay para makarating kay Kuya (Willie) na ‘yung pangako niya ay hinihintay namin kasi ‘yun lang ang inaasahan namin ngayong Pasko.”

Bakit inaasahan nila ang pangako ni Willie, wala ba silang ibang trabaho?

“’Yung iba po wala, kasi noong nasa ‘Wowowillie’ po kami hindi kami puwedeng tumanggap ng ibang trabaho kasi ayaw ni kuya, gusto niya, sa kanya lang kami. Eh, ngayong wala na po ang ‘Wowowillie’, wala kaming makuhang trabaho kasi lahat ng programa may sari-sarili ng mga tao,” katwiran naman sa amin.

Sinubukan naming i-text ang sekretarya ni Willie na si Ate Tess Mateo kahapon at kaagad namang tumawag sa amin para ipaliwanag ang nangyari.

“Hi Reggee, totoong dapat sana noong Biyernes makukuha ang kalahating buwang bonus nila galing kay sir Willie kaso, kulang ng pirma kasi si Atty. Reyno kasi nasa meeting at hindi makalabas at noong natapos na ang meeting, alas-sais na (gabi) at pinahabol namin sa BDO (Banco De Oro) para pumasok na sa cash card ng mga tao ng Sabado ng umaga eh, nagka-problema raw sa system kaya hindi umabot.

“Kaninang umaga (kahapon) pumasok na sa ATM nila kasi may natanungan ako na pumasok na.

“Sobra naman sila, na-delay lang ang bigay, marami na silang sinasabi, eh, sa rami ng tulong na naibigay sa kanila ni sir Willie, nalimutan na nila? Kung tutuusin, hindi na ‘yan obligasyon ni sir Willie kasi ‘yung 13th month nila, naibigay na noong Nobyembre pa at itong nakuha nila ngayon ay bonus na lang na equivalent sa kalahating buwang suweldo.

“Walang alam si sir Willie na na-delay kasi isa ako sa signatory at si Atty. Reyno, eh, hindi nga agad napirmahan kaya ganoon.

“’Yung ibang staff namin, kinuha sa Will Tower, ‘yung iba, sabi ni sir Willie sa January na malalaman kung saan ang show kasi siyempre ngayong December, hindi pa siya makapag-isip, ‘di ba?

“Sana naintindihan ng staff ‘yan kasi tinupad naman ‘yung pangako, na-delay lang,” paliwanag mabuti sa amin ni ate Tess.

At malalaki pala ang suweldo ng staff ni Willie, ateng Maricris na hindi na namin babanggitin kung magkano.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …