ITINAAS ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Level 3 ang crisis alert sa bansang Yemen, sa gitna nang patuloy na pag-igting ng tensyon sa nasabing rehiyon.
Sinabi ni DFA spokesperson Raul Hernandez, sa ilalim ng alerto, ipinaiiral na ng gobyerno ang “total deployment ban” ng overseas Filipino workers sa nasabing bansa.
Binanggit din ng opisyal, nakahanda ang pamahalaan na magsagawa ng repatriations o paglilikas sa mga Filipino na nais umuwi ng bansa.
Tinatayang may 1,500 overseas Filipino workers ang naka-base sa Yemen.
Una rito, mariing kinondena ng pamahalaan ng Filipinas ang nangyaring suicide bombing attack sa Yemen na ikinamatay ng pitong Filipino at ikinasugat ng 11 iba pa. (JAJA GARCIA)