Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, napamura sa ‘pambabastos’ ni Cristine

IBA rin palang mag-trip itong si Cristine Reyes. Pinaglaruan kasi ng hitad ang ex-boyfriend na si Derek Ramsay on his birthday pa.

Saw her Facebook video na ipinakita ni Cristine ang plastic na daga na inilagay niya sa pagkain. She then went to Derek at ibinigay niya ito sa kanyang ex-boyfriend. Napamura nga si Derek sa shock nang makita niya ang daga dahil akala niya ay totoo ito.

Marami ang nabastusan sa ginawa ni Cristine.

“That kind of joke is not good also when somebody eating their foods…kaya ka cguro iniwan ni derek kc play girl ka…not a serious type.

“Grabe ang bastos ni cristine..not funny tlga..ang sutil mo grabe..kumakain c derek lalagyan ng daga..kya pla iniiwan ka ng mga bf mo..at ng mismo ate mo kaaway mo dhil ang maldita mo.

“Bastos naman n Christine .. Dapt na sa tamang lugar ang pagbibiro nya .. Ganun ba tlaga sya mglambing ….makapamura tlaga sa ginawa nya.”

Ilan lamang ‘yan sa mga batikos na natanggap ng dalaga.

Pero mayroon din naming nagtanggol kay Cristine.

“Kayo naman masyadong seryoso.. paglalambing lang ata un ky derek.. hindi pa ata sila hiwalay kasi biglang nadulas si tin nung nag guest siya sa gandang gabi vice.. happy birthday  Kayo naman masyadong seryoso.. paglalambing lang ata un ky derek.. hindi pa ata sila hiwalay kasi biglang nadulas si tin nung nag guest siya sa gandang gabi vice.. happy birthday,” said one guy.

Chito, pakakasalan na raw si Neri

PARANG walang naniniwalang pakakasalan nga ni Chito Miranda ang girlfriend niyang si Neri Naig.

Nagpahayag kasi si Chito na balak na niyang pakasalan ang kanyang girlfriend. Sa isang interview, ay sinabi niyang hinangaan niya ang katatagan ni Neri matapos na lumabas sa social media ang kanilang sex video.

Kahit na in-announce na ni Chito na pakakasalan na niya si Neri ay parang walang gustong maniwala sa kanya. Natanim na kasi sa maraming nakapanood sa kanilang sex video ang mga eksena nilang talaga namang nakakaloka.

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …