Friday , November 15 2024

Assistant ni Dr. Benjamin Tayabas niraraket ang UDM?

00 Bulabugin JSY
NALULUNGKOT tayo sa ginagawang pandurugas umano ng isang opisyal d’yan sa Universidad De Manila (UDM).

Dahil sa kanyang katakawan sa kwarta ay sinisira niya ang isang sistema at magandang programa sa edukasyon na ipinamana ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga Manileño lalo na sa mga kapos sa kakayahang pinansiyal  para papag-aralin sa kolehiyo ang kanilang mga anak.

Sa UDM (na ang orihinal na pangalan ay City College of Manila) po kasi ay libre ang edukasyon sa kolehiyo.

Dahil po sa mataas na pagpapahalaga ni Mayor Fred Lim sa edukasyon at paniniwala na ito ang mag-aangat sa buhay ng isang tao, kaya ipinagbawal niya ang paniningil ng kahit anong uri ng konrtibusyon at singilin sa mga pampublikong paaralan (pre-school, elementary at high school) at city college/university sa Maynila.

Naoong manungkulan po tayong Presidente ng National Press Club (NPC)  marami po tayong nairekomenda makapasok sa UDM at sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ilan na rin po ang nakatapos sa kanila at ngayon ay nagtatrabaho na at nakatutulong nang malaki sa kanilang pamilya.

Pero itong isang nagpapakilang assistant ni Dr. Benjamin Tayabas na kinilalang si Gail Richie Mendoza ay mukhang binabaligtad ang ‘legacy’ ni Manila Mayor Fred Lim.

Batay sa mga impormasyong nakarating sa atin, nagpapasok ng mga hindi kwalipikadong  estudyante si Mendoza sa UDM.

Kapalit  daw ng tatlong libo hanggang limang libong piso bawat estudyante?

Ilang estudyante kaya ang naipuslit at nakikilan ni Mendoza?

Mantakin ninyo nakapuslit pa ng karaketan niya ‘e katapusan na ng Hunyo nang bumaba sa pwesto si Mayor Lim.

Ibig sabihin ba n’yan ‘e talagang may nakapilang kokolektahan si Mendoza?!

Kung hindi tayo nagkakamali, si Mendoza ang professor na sinibak dati ni Mayor Lim dahil sa pagkakasangkot sa mga iregularidad at utos ng CSC.

Nang italaga ni Erap si Dr. Benjamin Tayabas sa PLM, biglang nakabalik si Mendoza sa UDM at ‘yun na gumawa na ng ‘milagro.’

Bukod sa raket na ‘pagbebenta ng student slot,’ hinaharang  din niya lahat ng nagde-DELIVER ng supplies at kinakatkong pa raw.

Sa mga ‘BIDDING’ naman, dumidiskarteng akala mo ay dikit na dikit sila ni Senator Jinggoy para ayusin siya ng mga papasok sa bidding.

Mayroon na raw ORDER ng dismissal laban d’yan kay Mendoza.

Pero kahit siya ay nagagawaan niya ng paraan na mailihis sa  mga mata ni Erap ang nasabing order of dismissal para hindi siya masibak.

Hay naku, muntik na nga silang magkapalit ng mukha ni Jinggoy kagagamit sa pangalan ng panganay na anak ni Erap.

Yorme Erap, paimbestigahan po ninyo si Richie Mendoza!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *