Sunday , December 22 2024

Assistant ni Dr. Benjamin Tayabas niraraket ang UDM?

00 Bulabugin JSY

NALULUNGKOT tayo sa ginagawang pandurugas umano ng isang opisyal d’yan sa Universidad De Manila (UDM).

Dahil sa kanyang katakawan sa kwarta ay sinisira niya ang isang sistema at magandang programa sa edukasyon na ipinamana ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga Manileño lalo na sa mga kapos sa kakayahang pinansiyal  para papag-aralin sa kolehiyo ang kanilang mga anak.

Sa UDM (na ang orihinal na pangalan ay City College of Manila) po kasi ay libre ang edukasyon sa kolehiyo.

Dahil po sa mataas na pagpapahalaga ni Mayor Fred Lim sa edukasyon at paniniwala na ito ang mag-aangat sa buhay ng isang tao, kaya ipinagbawal niya ang paniningil ng kahit anong uri ng konrtibusyon at singilin sa mga pampublikong paaralan (pre-school, elementary at high school) at city college/university sa Maynila.

Naoong manungkulan po tayong Presidente ng National Press Club (NPC)  marami po tayong nairekomenda makapasok sa UDM at sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ilan na rin po ang nakatapos sa kanila at ngayon ay nagtatrabaho na at nakatutulong nang malaki sa kanilang pamilya.

Pero itong isang nagpapakilang assistant ni Dr. Benjamin Tayabas na kinilalang si Gail Richie Mendoza ay mukhang binabaligtad ang ‘legacy’ ni Manila Mayor Fred Lim.

Batay sa mga impormasyong nakarating sa atin, nagpapasok ng mga hindi kwalipikadong  estudyante si Mendoza sa UDM.

Kapalit  daw ng tatlong libo hanggang limang libong piso bawat estudyante?

Ilang estudyante kaya ang naipuslit at nakikilan ni Mendoza?

Mantakin ninyo nakapuslit pa ng karaketan niya ‘e katapusan na ng Hunyo nang bumaba sa pwesto si Mayor Lim.

Ibig sabihin ba n’yan ‘e talagang may nakapilang kokolektahan si Mendoza?!

Kung hindi tayo nagkakamali, si Mendoza ang professor na sinibak dati ni Mayor Lim dahil sa pagkakasangkot sa mga iregularidad at utos ng CSC.

Nang italaga ni Erap si Dr. Benjamin Tayabas sa PLM, biglang nakabalik si Mendoza sa UDM at ‘yun na gumawa na ng ‘milagro.’

Bukod sa raket na ‘pagbebenta ng student slot,’ hinaharang  din niya lahat ng nagde-DELIVER ng supplies at kinakatkong pa raw.

Sa mga ‘BIDDING’ naman, dumidiskarteng akala mo ay dikit na dikit sila ni Senator Jinggoy para ayusin siya ng mga papasok sa bidding.

Mayroon na raw ORDER ng dismissal laban d’yan kay Mendoza.

Pero kahit siya ay nagagawaan niya ng paraan na mailihis sa  mga mata ni Erap ang nasabing order of dismissal para hindi siya masibak.

Hay naku, muntik na nga silang magkapalit ng mukha ni Jinggoy kagagamit sa pangalan ng panganay na anak ni Erap.

Yorme Erap, paimbestigahan po ninyo si Richie Mendoza!

SERYOSO NA RAW ANG MEDIA KILLINGS

O ‘yan, sabi ni Communications Secretary Sonny Coloma, seryoso na raw ang MEDIA KILLINGS.

Noong una ‘e not so serious, ngayon serious na raw.

Kailangan pa palang may paslangin ulit bago aminin na seryoso na ang media killings.

Naman Secretray Colocoy ‘este’ Coloma, ipinanganak ka ba kahapon lang?!

Hindi mo ba nababalitaan ang mga nangyayari? Que pa na naging communications secretary ka.

Secretary, pasok na sa TOP 3 ang Pinas sa “the most dangerous place for the journalists in the world.”

O baka hindi mo pa alam ‘yan!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *