Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkawala ng temper ni Anne, ‘di na dapat gawing big deal

HINDI na siguro dapat gawing big deal ang pagkawala ng temper ni Anne Curtis sa isang event. Lahat naman tayo ay dumadaan sa ganitong sitwasyon, may bad day. Ang importante, inamin niya ang kamalian at humingi ng paumanhin.

Nagbigay ng official statement si Anne sa kanyang  Twitter  Account sa kumalat na balitang sinamapal umano sina John Lloyd Cruz, isang publisher/editor ng isang magazine at isang telecom executive.

Nakatikim naman daw ng talak si Phoemela Baranda noong November 23 sa  Prive Luxury Club in The Fort Strip at Bonifacio Global City. Nairita raw si Anne dahil may kumakatok habang nasa loob siya ng CR sa naturang bar.

Kinaumagahan ay nag-sorry naman daw si Anne sa mga nasaktan niya  dahil natauhan na.

Gladys, nag-request ng primetime show sa GMA

MAY two years contract pala si Gladys Reyes sa GMA 7 na tatagal hanggang November 2014. Nagre-request ang actress na sana ay maisama siya sa isang pimetime show.

“Ay, may ganoong request,” sey pa ni Gladys na tumatawa.

Wish din niya na sana ay magkaroon ulit sila ng show ni Angelu De Leon. Hindi kasi sila nauubusan ng kuwento ‘pag magkasama.

“Gusto ko ‘yung show sana na parang ‘Sis’ yung noon nila Gelli (De Belen) at Carmina (Villarroel), eh, ngayon naman sina Gelli at Carmina nasa iba’t ibang networks na rin, ‘no? Gusto ko with Angelu. ‘Yung this time, kasi may rapport na kami, eh. Not just talk show, ‘yung parang doon, sumasayaw din sila, nag-o-opening number, mayroong panel discussion, mayroon ding minsang nagluluto-luto. ‘Yung lahat, na feeling ko hindi namin kakailanganin ng script, talagang magiging spontaneous lahat dahil ang daming puwedeng pag-usapan, na iba naman doon sa ‘Moments’ (show niya sa  Net 25),” sey pa ni Gladys.

Tsuk!

Louise, pinuri ang effective na pananakot ni Direk Topel

PINURI si Louise Delos Reyes ni Direk Topel Lee dahil very convincing daw ito sa mga nakatatakot na eksena sa  Basement. Pangatlong horror movie ito ni Louise. Una rito ay ginawa na niya ang Shake Rattle & Roll at ang The Road.

”Nakatutuwa naman. Thank you! Hindi kasi ano, ini-imagine ko lang parang inilalalagay ko talaga ‘yung sarili ko sa situation kasi since matatakutin ako maisip ko pa lang siya parang mapa-praning ako, so pinapraning ko ‘yung sarili ko roon sa scenes na ginagawa ko,” aniya.

Nag-enjoy ba siya na katrabaho ang boyfriend niyang si Enzo Pineda?

“Hindi nga kami masyadong nagkasama rito, eh. Mayroon akong scene kasama siya pero isa lang ‘yun, patay pa siya. Dumaan lang siya,” sey ni Louise.

Kumusta ang pakiramdam na nasa shooting din si Enzo?

“Medyo weird,” tumatawa niyang pahayag. ”Hindi kasi parang sanay ka na makita siya na siya, hindi mo siya nakikita bilang artista na, ‘Eto ako sa taping.’

Twice raw silang nagkita sa shooting. Yung first hindi sila magkasama sa eksena tapos ‘yung pangalawa, isang eksena niya na patay pa siya.

Tinanong din si Louise kung ano ang reaksiyon niya sa pictorial ngayon ni Enzo na ang suot ay skimpy…daring trunks and underwear.

“Proud din ako sa kanya, proud ako kasi ‘yung pagka-proud ko parang hindi ‘yung,’Ah, ang macho-macho niya!’

“Ako yung pagka-proud ko sa kanya kasi name-maintain niya ‘yung figure niya tapos parang naa-achieve niya ‘yung gusto niyang mangyari sa katawan niya ‘yung mga diet niya worth it lahat.

“So iyon yung pagka-proud ko sa kanya na ‘yung lakas ng kain ko ‘yun naman ‘yung kaunti ng kain niya. Na-deprived niya talaga ‘yung sarili niya sa ganoon so iyon ‘yung pagka-proud ko sa kanya.

“At saka ‘yung pictorial na ‘yun malaking company ‘yun eh, kahit ako parang ako minsan dream ko na magkaroon ng billboard under that name,” reaksiyon pa ni Louise.

‘Yun na!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …