Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolina, excited na sa paglabas ng kanilang baby boy

NAIINIS pala si Jolina Magdangal sa mga sosyal at pa-sosyal na mga ina na nakikita n’ya sa mga mall na yakap-yakap ang mga bag nila habang ang mga sanggol nila ay karga-karga ng yaya.

“Parang gusto kong sugurin ang mga nanay na ‘yon at tilian na ‘Hoy, bakit yang bag n’yo ang karga-karga n’yo? ‘Yan ba ang anak n’yo?’ Hanggang kaya ko, ako palagi ang magkakarga sa magiging anak ko, o kaya ang daddy n’ya,”nakatutuwang pahayag sa amin ni Jolina noong pa-Christmas party ng PPL Entertainment, Inc. para sa press, Lunes ng gabi.

Excited na si Jolens na maging ina ng magiging kauna-unahang anak nila ng sikat na drummer na si Mark Escueta. Seven months pregnant na pala siya. Sometime in February next year siya nakatakdang magsilang. Alam na nilang mag-asawa na lalaki ang baby nila. Ang hindi pa nila alam ay kung magiging normal ang pagsisilang ni Jolens o by caesarian section. Kahit na sa anong paraan, basta parehong maging safe ang ina at anak, okey lang sa mag-asawa.

Pa-party ng PPL at donasyon sa Estancia, Iloilo

Ang PPL ay ang nagma-manage kina Jolina, Dingdong Dantes, Wendell Ramos, Angelika de la Cruz, Geofrey Eigenmann, Rochelle Pangilinan, at marami pang iba. Si Perry P. Lansigan ang big boss ng kompanya. Tuwang-tuwa kaming press people dahil hindi naisip ni Perry at ng mga artistang imina-manage n’ya na gayahin ang mga network at iba pang entertainment companies: kanselahin ang traditional Christmas get-together nila with the press dahil ido-donate na lang nila sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda ang gagastusin at ipangrereregalo sa press.

Magaling mag-isip si Perry at ang mga alaga n’ya. Sa halip na kanselahin totally ang  Christmas party para sa kyemeng magdo-donate na lang sila sa mga nasalanta, ang kinansela nila ay ang dagdag na gastos na pagpapa-raffle at pagpapa-games na may premyong cash o goods. ‘Yung pampa-raffle at papremyo ang ido-donate nila at binawasan nila ng tig-P100 ang token cash gift sa bawat reporter at editor—at ‘yon lahat ang ido-donate sa pagpapagawa ng isang classroom sa Estancia, Iloilo na grabeng naapektuhan din ng bagyo. So, happy ang mga artista, happy si Perry, at happy din ang press.

Sa Casa Filipino restaurant nga pala idinaos ang party. Nasa Scout Fernandez, QC po ang nasabing restoran. Masarap na buffet naman ang pinagsaluhan ng lahat.

Maselan ang naging paglilihi

Going back to Jolina, naging napakaselan pala ng mga unang buwan ng pagdadalantao n’ya.”Noong ikatlo o ikaapat na buwan ng pregnancy ko, pinag-bed rest ako ng mga doctor ko. At literal na hindi ako pwedeng bumangon ng kama at umupo-upo at magkikilos ng bahay. Wee-wee lang ako pinababangon. Muntik na nga akong pagamitin ng bed pan!” tsika pa ni Jolens—na finally ay nag-mature na rin ang hitsura, hindi na gaanong mukhang nene, at bumaba na ang speaking voice. Parang babaeng Peter Pan kasi si Jolens, ‘di ba? Hindi tumatanda ang hitsura n’ya.

Si Mark daw mismo ang napaglihian n’ya, particularly ang baby pictures ni Mark, pati na noong early childhood ng guwapitong drummer.

Ang magiging baby daw nila ang magiging male grandson ng Magdangal at Escueta families.

Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …