DESIDIDO si German Moreno na harapin at sagutin sino man ang mang-intriga sa pagkakasama niya sa listahan ng mga pararangalan sa Walk of Fame. Isinama kasi niya si Anderson Cooper sa nga may star sa ikawalong taon ng Walk of Fame na taunang ginaganap sa Eastwood City.
Noong Linggo naganap ang pagbibigay parangal. Aniya, ”Nagising ang mundo sa nangyari sa atin dahil sa malagim na Yolanda at siya ang unang-unang nanawagan at nakita mo naman ang response ng buong mundo.”
Nasa US noon si Kuya Germs para tanggapin ang Gawad America award nang manalasa si super typhoon si Yolanda sa Leyte at Samar. Siya mismo ang nakakita sa ginawang pagtulong ng US government sa pamamagitan ng pagpapadala ng relief good. Nag-ugat, aniya ang lahat sa ginawang panawagan ni Copper sa CNN noong nagtungo ito sa bansa.
“Nakita naman ninyo ang response ng buong mundo kung paano nagising agad at nagpadala ng tulong na hindi natin naisip na tayo ba ay may nagawa agad na ganyan?
“So, ano ang dapat nating gawin para maipakita naman natin ‘yung gratitude ? Noong nandoon ako sa America, nakita ko talaga kung paano kumilos ang mga Amerikano, lagay agad sa malaking eroplano, sa malaking barko at dalhin agad dito dahil nakita ang kalagayan natin dito.”
Alam ng CNN ang ginawang pagpaparangal ni Kuya Germs sa kanilang international newscaster noong Linggo dahil nagpasabi ang kampo ng Master Showman through the internet. Aniya, isa itong paraan para ipaabot ng mamamayang Filipino ang taos pusong pasasalamat.
Maliban kay Copper, kasali rin ang mag-asawang Dr. Manny and Dra Pie Calayan ng Calayan Surgicenter sa pinarangalan gayundin si Joel Cruz ng Aficionado. Ayon kay Kuya Germs, marami ang naiambag ng mag-asawa sa pagpapaganda ng ating mga celebrity. “’Yun naman ang nagawa nilang contribution, ang mapaganda ang mga artista natin. Sila talaga ang nagbibigay ng inspirasyon at hindi biro. Even Joel Cruz ay malaki ang naitulong. We recognize this people because saan ka nakakita ng ganyan, voluntarilly sila ay nagpapaganda, ‘di ba? And then, ang ginawa ni Joel, ang magkaroon ng baby at alagaan ‘di gawang biro ‘yun.”
Kasama rin sa mga honoree ang ilang international beauty titlist tulad nina Margie Moran, Precious Lara-Quigaman, Aurora Pijuan, Gemma Cruz, Melanie Marquez at 2013 Ms WorldMegan Young. Kasama rin dito ang dalawang Miss Universe na nakapag-asawa ng Pinoy na tulad nina Armi Kuusela-Hilario at Stella Marquez-Araneta. Kasamas rin sina Bembol Rocco, Joel Torre, Edgar Mortiz, Gladys Reyes, Laurice Guillen, Manding Claro Dinkee Duo, TJ Trinidad, Toni Gonzaga, Jamie Rivera, Vicky Morales, at Rob Schnieder.
Sam, hangad na magtagumpay bilang singer
TAPOS ng Bachelor of Science in Nursing si Sam Bacholo sa University of Perpetual Help sa Binan, Laguna pero dahil mas malakas ang kaway ng showbiz, napagdesisyonan nitong gawing fall back ang kursong natapos. Binigyang katuparan niya ang pangarap na maging isang recording artist.
Malaki ang kanyang pananalig sa sarili na magtatagumpay siya dahil may talento sa pagkanta at pagsayaw.
Pagdating naman sa pag-arte, naghihintay lang siya ng offer, maging indie film man ito dahil gusto niyang sundan ang yapak ni Coco Martin na nagsimula sa indie at napunta sa main stream. Kung hinihingi na magpaseksi siya sa mga eksena, palaban din siya dahil babad siya sa gym kaya naman, hunk ang dating. Madalas din siyang rumampa sa mga mall show, katunayan regular endorser siya ng isang sikat na food chain tuwing may event sa probinsiya.
Alex Datu