Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cagayan Valley vs Jumbo Plastic

PAGSOSYO sa ikalawang puwesto ang pakay ng Jumbo Plastic sa salpukan nila ng Cagayan Valley sa 2013-14  PBA D-League Aspirants Cup mamayang 2 pm sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Sa ikalawang laro sa ganap na 4 pm ay magkikita ang Cafe France at Zambales M-Builders.

Ang Jumbo Plastic, na hawak ni coach Stevenson Tiu, ay may 5-1 karta. Kung magwawagi ang Giants ay makakasama nila sa ikalawang puwesto ang Big Chill sa likod ng nangungunang Hogs Breath Cafe (6-0).

Kabilang sa mga inaasahan ni Tiu ang mga ex-pro na sina Khasim Mirza at Jason Ballesteros.

Ang Cagayan Valley Rising Suns ni coach Alvin Pua ay may 6-2 record. Ang Rising Suns ay pinayuko ng Hog’s Breath Cafe (82-78) at baguhang Wang’s Basketball Couriers (76-74).

Kaya naman sinasabi ni Pua a kailangang manatili ang concentration ng kanyang mga bata mula umpisa hanggang dulo ng bawat laro.

Kabilang sa mga inaasahan ni Pua sina John Pinto, Prince Caperal, Kenneth Ighalo at Mark Bringas.

Ang Cafe France ni coach Egay Macaraya ay galing sa 74-69 panalo sa National University-Banco de Oro at may 4-3 record para sa ikapitong puwesto. Umaasa si Macaraya na maitutuloy nila ang mga panalo upang makarating sa quarterfinals.

“It’s still very much possible. Kailangan  na maniwala kami na kaya namin,”aniya.

Ang Zambales M-Builders ni coach Junel Mendiola ay may dalawang panalo sa limang laro.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …