BUTUAN CITY – Kinompirma ni Captain Christian Uy, spokesman ng Philippine Army 4th Infantry Division, isang Philippine Army junior officer ang namatay habang dalawang sundalo ang malubhang nasugatan sa enkwentro laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Sur.
Inihayag ni Uy, ang tropa mula sa elite 3rd Special Forces Battalion ay idineploy sa Bgy. Buhisan, bayan ng San Agustin, probinsya ng Surigao del Sur, matapos makatanggap na reports ng pangingikil ng mga NPA sa nasabing lugar.
Dagdag pa niya, nakaharap ng tropa ng gobyerno ang tinatayang 30 rebelde na nagresulta sa 20-minutong bakbakan at pagkamatay ng isang second lieutenant habang dalawang privates first class ang sugatan.
Patuloy namang inaalam kung may namatay sa panig ng mga rebelde dahil may nakitang mga patak ng dugo sa rota kung saan tumakas ang mga NPA.
(BETH JULIAN)