ITO po ang ipinatatanong sa atin ng mga masugid na tagahanga at bilib na bilib kay ex-Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson
Tama ba Asec. Rey Marfil?
Ayon sa ilang mga urot, nagtataka raw sila kung bakit nai-PRESS RELEASE agad ang appointment ni LACSON bilang rehabilitation czar sa mga sinalanta ng super-bagyong si Yolanda.
Pero ilang araw na nag nakalilipas ‘e wala pa rin ‘yung EXECUTIVE ORDER ni PNOY para sa pagtatalaga sa kanya.
Hindi tuloy malinaw ngayon kung ano ba talaga ang EPAL ni Sen. PING sa REHABILITATION AGENCY na bubuuin para sa mabilis na pagbangon ng KABISAYAAN.
Magkakaroon ba talaga ng full control si Sen. PING sa rehab group na ‘yan?
Ano ba talaga ang magiging papel niya kung ang pondo ng rehab program ay dederetso sa mga line agency kagaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at NHA?
Gagawin ba siyang tagabantay lang para huwag maibulsa ang pondong ilalaan d’yan?!
Ilan lang ‘yan sa mga katanungan sa inialok na trabaho kay Sen. PING.
Kasi nga naman kung magiging matagumpay si Sen. PING sa rehabilitation program na ‘yan, malaking edge ‘yan para sa kanya sakali mang ipagpatuloy niya ang kanyang naunsyaming ambisyon sa 2016.
Mukhang d’yan nagkakaroon ng insecurities ang mga paksyon-paksyong malalapit kay PNoy
Si VP Binay, hindi kaya mainsecure?
At gusto rin natin isipin na isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit naantala ang EO ng appointment ni Sen. PING.
E ano pang masasabi natin tungkol sa bagay na ‘yan?
Sorry YOLANDA VICTIMS, politics is working.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com