ITO po ang ipinatatanong sa atin ng mga masugid na tagahanga at bilib na bilib kay ex-Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson
Tama ba Asec. Rey Marfil?
Ayon sa ilang mga urot, nagtataka raw sila kung bakit nai-PRESS RELEASE agad ang appointment ni LACSON bilang rehabilitation czar sa mga sinalanta ng super-bagyong si Yolanda.
Pero ilang araw na nag nakalilipas ‘e wala pa rin ‘yung EXECUTIVE ORDER ni PNOY para sa pagtatalaga sa kanya.
Hindi tuloy malinaw ngayon kung ano ba talaga ang EPAL ni Sen. PING sa REHABILITATION AGENCY na bubuuin para sa mabilis na pagbangon ng KABISAYAAN.
Magkakaroon ba talaga ng full control si Sen. PING sa rehab group na ‘yan?
Ano ba talaga ang magiging papel niya kung ang pondo ng rehab program ay dederetso sa mga line agency kagaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at NHA?
Gagawin ba siyang tagabantay lang para huwag maibulsa ang pondong ilalaan d’yan?!
Ilan lang ‘yan sa mga katanungan sa inialok na trabaho kay Sen. PING.
Kasi nga naman kung magiging matagumpay si Sen. PING sa rehabilitation program na ‘yan, malaking edge ‘yan para sa kanya sakali mang ipagpatuloy niya ang kanyang naunsyaming ambisyon sa 2016.
Mukhang d’yan nagkakaroon ng insecurities ang mga paksyon-paksyong malalapit kay PNoy
Si VP Binay, hindi kaya mainsecure?
At gusto rin natin isipin na isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit naantala ang EO ng appointment ni Sen. PING.
E ano pang masasabi natin tungkol sa bagay na ‘yan?
Sorry YOLANDA VICTIMS, politics is working.
TALAMAK NA PATAYAN SA BASECO HINDI PA RIN NATUTULDUKAN
NAGULAT tayo at nalungkot sa masamang balitang ating natanggap.
PINASLANG ang PRIME WITNESS sa pagpatay kay Alab ng Mamamahayag (ALAM) leader Domingo “A1” Ramirez na si Elena Miranda nitong Sabado ng madaling araw.
Pinasok siya sa loob ng kanilang bahay at antimano ay pinaputukan sa mukha at sa leeg habang katabi sa pagtulog ang anak na babae.
Labis na paghihinagpis ngayon ang nararamdaman ng mga naulilang anak ni Elena.
Nitong Nobyembre (2013) lang kasi ay namatay ang asawa ni Elena. Kaya ibig sabihin, siya na lamang ang inaasahan ng kanyang mga anak na ang pinakabata ay 8-anyos para sa pagtataguyod ng kanilang kinabukasan.
Pero ngayong wala na si Elena dahil sa pamamaslang ng maiitim ang budhi, ano na ang mangyayari sa kanyang mga anak?!
Bukod sa pag-aalala natin sa kinabukasan ng anak ni Elena, nababagabag din tayo sa hindi na matapos-tapos na patayan d’yan sa BASECO Compound?!
Manila Police District director, C/Supt. Isagani Genabe, meron ba o wala kayong naiisip na paraan o estratehiya kung paano wawakasan ang walang habas na pamamaslang sa BASECO Compound?!
Wala ba kayong balak na magkaroon ng kampanya laban sa loose firearms?
Alam naman natin na ang lahat ng mga tirador d’yan sa BASECO ay nanghihiram lang ng TAPANG ng MUKHA at LAKAS ng LOOB sa ‘eskwalang pumuputok.’
Kaya kung magiging masinsin ang programa ng mga awtoridad laban sa ‘loose firearms’ t’yak na matutuldukan ang walang habas na patayan sa BASECO.
Hiling at hangad po natin na makamit nina A1, Ka Elena at iba pang biktima ng pamamaslang ang KATARUNGAN.
Anong masasabi mo Baseco Barangay Chairman KRISTO HISPANO!?
UNIVERSAL GIRL CLUB ‘LARGADO’ NA NAMAN ANG POKPOKAN AT BOMBAHAN
BACK to normal daw ang operation ng pokpokan at bombahan sa UNIVERSAL GIRL CLUB.
Grabe at lantaran din ang BAR FINE.
Isang alyas RENE ang umaaktong CLUB MANAGEMENT habang isang Ka Abner, ang … namamahala sa KOLEKTONG.
Tsk tsk tsk …
Kung inyo pang naaalala mismong si anti-human trafficking czar, VP Jejomar Binay ang nagpasara n’yan dahil nga nabuking na mayroon pang mga babaeng menor de edad.
Biktima sila ng talamak na human trafficking.
Kaya nagtataka tayo kung bakit ngayon ay buhay na buhay na naman ‘yan.
Totoo bang mayroong MALAKING HATAG ang UNIVERSAL GIRL CLUB sa Pasay City police at sa City Hall?!
Pakisagot lang KAMAGANAK INC.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com