Friday , November 15 2024

Pasay City council natanggalan ng ‘helmet’ sa ulo?! (Pera na naging bato pa)

00 Bulabugin JSY

MUKHANG biglang nagising sa katotohanan ang miyembro ng KONSEHO ng Lungsod ng Pasay.

Sabi nga, 360 degree ang pagbawing ginawa ng Konseho sa kasunduan na pumapayag silang i-reclaim at i-develop ng SM Land Inc., (SMLI) ang 300 hectares ng Manila Bay sa halagang P54.5 bilyones.

Kumbaga biglang natanggalan ng ‘HELMET’ sa ulo ang KONSEHO kaya napag-isip-isip nilang bawiin ang naunang tatlong resolusyon na pumapabor sa proposal at joint venture agreement ng SMLI at ng Pasay City government na nilagdaan ng nasabing kompanya at ni Mayor Antonino Calixto.

Ayon kay Konsehal Allan Panaligan, idinahilan ng Konseho sa kanilang pagbawi na mayroong kakulangan sa proseso na pinagmulan ng tila pagdadamot ng impormasyon at oportunidad  sa iba pang bidders.

Aniya, nais iwasto ng Konseho ang ano mang pagkakamali o pagkukulang na ipinupunto ng iba pang bidders gaya ng Ayala Land Inc., at S&P Construction Technology.

Kailangan umanong gawin ito upang maiwasan ang mga potensiyal na kaso sa hinaharap.

Bukod d’yan, napansin ni Panaligan na ang mga dokumentong isinumite ng city executives sa Konseho ay kulang ang detalye hinggil sa reclamation plan.

Bilang chairman ng committee on land use, dapat umano ay kasama siya sa PPP-SC pero hindi man lang siya inimbita.

Well said Councilor Allan Panaligan.

Pero sandali may sinasabi ang spokesperson ng SMLI …

Ansabe ni Severo Madrona (ay mali, PPP-SC vice chairman pala siya, hindi spokesperson ng SMLI) sa text message sa mga reporter … “still valid and subsisting” pa rin daw ang joint  venture agreement lalo’t naisumite na sa Philippine Reclamation Authority (PRA).

Dagdag ni Madrona, “The rights of SM Land Inc., are violated in the one-sided public hearings. SM Land was never invited.”

Sino ang ipinagtatanggol mo Mr. Madrona, ang mamamayan ng Pasay City o ang SOP ‘este o ang interes ng SMLI?!

Tsk tsk tsk …

Mukhang hindi lang Biogesic ang dapat inumin ngayon dito ni Mayor Tony Cashlixto ‘este’ Calixto, mukhang kailangan niya nang mas matinding pantanggal ng sakit ng ulo.

‘E kasi naman bakit wala kayong tamang ‘DEKLARASYON sa konseho?’

Paano na ang SOP n’yan?! Baka magkasolian pa ng goodwill money d’yan?

Tama ba ako Pasay Bagman Mr. Bing Lintekson!?

Aabangan po natin ang mga susunod na development sa usaping ito …

Pansamantala, binabati natin ang KONSEHO ng Pasay sa kanilang (pansamantalang ) PAGKAGISING din?!

OPEN NA BA SA BI-NAIA T-1? (BLACKLIST INDIAN,PINAPASOK!)

Happy-happy na raw ngayon ang mga taga-Bureau of Immigration (BI) NAIA T-1, dahil unti-unti na raw nagbubukas ang pinto ng pagkakaperahan?!

Kabi-kabila ang naririnig nating pagpasok lalo na ng mga blacklisted na Koreano, Intsik at Bombay. Hindi naman siguro tsismis ang mga ito dahil kelan lang ay 3 Indian nationals ang dumating, ang isa ay Blacklisted at sakay ng flight EY 424 at ang dalawa naman ay sakay ng flight CZ 397.

Sabay-sabay silang dumating noong Sabado, November 23. Pero sa hindi katanggap-tanggap na justification at siyempre kasama na rin ang cash-sunduan, pinapasok sa bansa ang 3 Bombay.

Dapat ay ini-EXCLUDE agad sila pabalik sa kanilang pinanggalingan pero may directive raw ang BI-OCOM na papasukin sila habang hinihintay ang exclusion order at naka-surrender ang kanilang mga passports.

Sonabagan!!!

Bakit napakatagal naman yata ng pag-issue ng exclusion order ngayon?

Hindi ba’t sandali lang ang issuance niyan at hindi naman kailangan tumagal ng 6 na araw?

At bakit kailangan i-release from custody ang tatlong Bombay?

Ngayong nakalabas na sila ng airport, sa tingin ba ninyo mahahanap n’yo pa ang mga kambing na ‘yan!?

Kahit pa sabihing naka-surrender ang passports nila sa inyo, napakadali lang para sa tatlong Indian nationals ang mag-renew ng passports nila sa kanilang embahada.

Alam kaya ni Mr. BI-OIC Mison ang kasong ito? Since ang directive daw ay galing sa BI-OCOM, that this means ang order ay from the Commissioner itself?

O meron isang taga-BI-OCOM na nagmamaniobra ng money making scheme gaya nito?

Balita na  P250k per head daw ang presyo ng bawat kambing and that’s a lot of money.

Anong say mo, Atty. Norman Tansinco?

Ano naman ang masasabi ng pumirma sa turn-over receipt na si BI-NAIA Head Supervisor, IO Lucero?

Wish ko lang walang nabukulan sa kasong ito!

NEW APPOINTEES SA  BUREAU OF CUSTOMS BINUBUSISI NG HOUSE OF REPRESENTATIVES

SA NAKARAANG pagdinig sa House Committee on Ways & Means, na pinamumunuan nina Rep. Romero “Miro” Quimbo (2nd District, Marikina City), at Rep. Thelma Almario (2nd District, Davao Oriental), ang mga bagong appointee sa Customs ay kinakailangan magsumite ng kanilang resume’ sa House panel upang ma-scrutinize ang qualifications ng mga bagong BoC officials.

Bukod d’yan ipinakaklaro rin ni Rep. Quimbo, kung mayroon ngang “militarization” sa BoC dahil umano sa rami ng dating military personnel ngayon sa BOC.

Bukod d’yan umabot na sa 37 at patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na inilipat sa Customs Policy Research Office (CPRO) sa utos ng Department of Finance.

Na ibig sabihin, ‘yang mga inilipat sa CPRO ay kinakailangan din palitan sa kanilang mga dating pwesto.

Kaya nga sa tingin nina Rep. Miro Quimbo at Rep. Almario (2nd District, Davao Oriental), ay malaki ang pangangailangan na masuri ang kanilang mga kakayahan.

Gusto umanong masuri ng nasabing Committee kung ang mga bagong appointed kapalit ng mga inilipat sa CPRO ay kwalipikado sa posisyong kanilang tinatanganan.

Ayon kay Rep. Almario, meron silang na-interview na ang sabi ay ilang linggo pa lang sila sa Bureau, meron naman umanong nagsabi na three years na sila.

Pero ang importante umano ay kung kaya ba nilang gampanan ang kanilang mga trabaho sa Bureau of Customs lalo na ang pag-abot sa target collections.

Ani Almario, “What experience (of appointees) can justify why you are now at the BOC at what port are you designed to perform?”

Pabor naman si Rep. Quimbo sa appointment ng mga bagong opisyal sa BoC lalo na ‘yung mga appointed ng Pangulo pero s’yempre kailangan pa rin daw nilang mabusisi ang resume ng mga opisyal.

Aniya, “lawmakers are going to be the new BOC officials’ Number 1 defender and at the same time their Number 1 scrutinizer.”

Tungkol naman sa isyu ng ‘MILITARIZATION,’ mariing ipinalilinaw ni Rep. Quimbo sa Department of Finance kung ano ba talaga ang direksiyon ngayon ng BoC?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

GMA christmas station id 2024

GMA bosses, A Lister star pinagsama sa GMA Christmas Station ID

I-FLEXni Jun Nardo UMERE na  last Monday night ang GMA Christmas station ID. Pinagsama ang GMA …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *