Monday , December 23 2024

‘Tabang!’ sigaw ng nagugutom at nauuhaw na 6 munisipalidad sa Cebu

NAKATANGGAP ako ng text message mula sa concerned citizen.

Anim na munisipalidad daw sa Cebu na sinalanta ng bagyong Yolanda ang nakararanas ngayon ng matinding gutom, kawalan ng tubig na maiinom at gamot para sa maraming nagkakasakit.

Partikular na tinukoy ang lugar ng Bantayan Island, na halos nawasak din ang lahat ng kabahayan sa mga barangay. Marami na raw ang nagkakasakit ng “LBM” dito walang mainom na malinis na tubig at sapat na gamot.

Kulang na kulang daw ang relief goods nilang natatanggap mula sa iba’t ibang pribadong organisasyon.

Kaya nananawagan sila ng “tabang” sa gobyerno.

Paging DSWD Sec. Dinky Soliman at DoH Sec. Enrique Ona, pls … pakibigyan po ng atensyon ang Bantayan Island sa Cebu.

Squatters sa gilid

ng Delpan Bridge

to Baseco nagsulputan

Napansin ko itong pagdami ng squatters d’yan sa gilid ng Delpan Bridge papuntang Baseco Port Area, sakop ng District 5 ng Maynila.

Sa ngayon, makikita mo ang halos dikit-dikit nang mga bahay-bahayan na gawa sa mga lumang flywood, sirang payong at plastik. Baka bukas makalawa ay bahay na talaga ang mga ‘yan at hindi na basta mapapaalis kung walang paglilipatan sa kanila.

Ang mga nagsulputang squatters sa gilid ng Delpan Bridge ay sila ‘yung mga “jumper” sa mga nagdaraang truck, nanghoholdap ng commuters at nagnanakaw sa mga nakahimpil na barge sa Pasig River.

Kapag kinonsinte o pinabayaan lang ng gobyerno ng Maynila, darami at darami pa ang magiging sakit ng ulo sa bandang huli.

Paging Manila City Hall…

‘JO’ sa Manila City Hall

5 buwan nang di sumasahod!

– Mr. Venancio, help naman!  Hindi pa po kami sumasahod sa Manila City Hall. May limang buwan na po ngayon magbuhat nang maupong mayor si Erap. Mga ‘Job Order’ (JO) po kami. Kawawa naman kami. Magpa-pasko na, wala pa kaming natatanggap na sahod sa bagong upong mayor. Sana  matulungan nyo kami. Salamat po! – 09186699599

Aba’y kung ganyang limang buwan na kayong hindi sumusuweldo, ibig sabihin n’yan ay tinatanggal na kayo! Kaya makabubuti, kesa gumastos kayo ng pamasahe araw-araw, huwag na kayong pumasok. Maghanap na lang po kayo ng ibang trabaho … at bumawi na lang kayo sa 2016!

Naglipanang ‘jumper’

ng koryente sa Gagalangin

– Walang aksyon ang Meralco sa naglipanang jumper dito sa 530 Road 4, Barangay 182 Zone 16, Gagalangin, Tondo, Manila. Sabwatan ng lineman  ng Meralco, ang mastermind ay yung pamilya ng Baes. – 09394993…

Paging Meralco!

Ilang pulis ng MPD-PS4

may ‘timbre’ sa mga tulak?

– Mr. Venancio, isa akong barangay official dito sa likod ng Stn. 4 (MPD) riles. Hingi lang kami ng tulong para matigil na ang talamak na tulak ng droga dito na sila Uyong alyas Darna at Nonoy. Lumalakas ang loob ng mga ito dahil may protektor silang pulis na laging pinagmamalaki dahil may lingguhan daw sila kina (PO2 MC, PO1 EV at PO3 A) na nakunan pa ng video na naka-uniform at nanghihingi ng pera. Papaano namin malilinis ang droga dito kung sila mismo nagpapatupad ng batas ang kumukunsinti sa droga? Dapat ipa-drug test ang mga ito. Huwag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Brgy Official

O, kung sinuman ang hepe ng MPD-PS4, paki-imbestigahan ang mga pulis mo, patong daw ang iba sa kanila sa droga! Ipa-drug test mo kaya ang mga pulis mo d’yan, Kernel?

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *