Friday , November 15 2024

Roxas, Malapitan isunod na kay Biazon

LABIS tayong nagtataka kung bakit si Janet Lim-Napoles lamang ang kinaiinitan ni Justice Sec. Laila de Lima gayong sangkatutak na NGOs ang nagamit ng mga senador at kongresista para lustayin ang pera ng bayan.

Isa na rito ang KACI o Kalookan Assistance Council Incorporated na pinamumunuan ng isang bata ng isang politiko sa lungsod ng Caloocan.

Kung si outgoing Customs Commisioner Ruffy Biazon ay nadawit at nakasuhan sa PDAP scam sa halagang kulang P2 milyon lamang ay dapat rin sigurong tingnan ng COA ang pagkakadawit ni DILG Sec. Mar Roxas sa KACI na pinaglagyan ng dating mambabatas ng halagang P5 milyon.

Bukod kay Roxas, malinaw din sa COA report na dawit din ang pangalan nina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, dating Cong. Baby Asistio, dating Quezon City Rep. Bingbong Crisologo, dating Malabon-Navotas Rep. Alvin Sandoval, dating Caloocan 2nd District Rep. Mitch Caayon at Senador Juan Ponce Enrile.

Sa tala ng COA, umabot sa P133 milyon ang nakuha ng KACI buhat sa nasabing mambabatas kaya’t marami tuloy ang nagtataka kung bakit ang mga NGO lamang ni Napoles at mga mambabatas na nagamit nito ang kinakasuhan ng DoJ.

Malinaw din sa pagtatasa ng COA, na umabot sa P58 milyon pa ang unliquidated fund ang hindi pa naiiulat nang maayos ng nasabing mga mambabatas, na isa sa mga dahilan ng pagdududa  ng nasabing ahensya.

Bukod sa unliquidated funds, nabisto rin ng COA na ginamit rin sa operational at pampasweldo ng mga tao ang inilaang pondo ng mga mambabatas,na lubhang ipinagbabawal ng batas.

Nabisto rin ng COA na ang KACI ay gumawa rin ng pekeng recipient matapos malaman na mahigit sa 100 benepisaryo nito ang hindi nakatanggap ng anomang ayuda buhat sa nasabing NGO.

Kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran ni De Lima ay tiyak na makokompirma lang ng publiko na ang kanyang ginagawa ay may halong politika.

***

Dapat bantayan ni Mayor Edwin Olivarez ang kanyang mga tauhan na sina Lani, Arnold  at Anton.

Ibang klase kasing gumawa ng pera ang tatlo at iyan ay malinaw sa mga tao sa pinanggalingan niyang siyudad na dati niyang pinaglilingkuran.

Kawawa naman kasi ang kabang bayan ng Parañaque kapag namihasa ang tatlo kaya’t maging ang mga taxpayers ng lungsod ay dapat maging  mapagmasid sa mga pangyayari.

Income ng Parañaque ang nakataya kaya’t sana ‘wag maging pabaya si Olivarez na alam naman natin gusto ng pagbabago.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *