ANG Christmas season ay naging very stressful time ng taon sa karamihan. Ang feng shui bilang powerful tool sa pagbubuo ng kalmado at harmonious energy, maaaring sundin ang basic feng shui decorating tips para mapahupa ang stress at ma-enjoy ang masayang sandali na ito.
Makaraang mapagdesisyonan ang pinakamainam at pinakabalanseng feng shui color scheme para sa Christmas decoration sa bahay, kailangan nang magdesisyon kung saan ilalagay ang inyong Christmas tree.
Kung nakapagsaliksik ka na kaugnay sa feng shui, batid mong may mga lugar sa inyong bahay na maaaring makinabang sa specific feng shui elements na mai-express sa simpleng décor items. Ang feng shui areas na ito ay tinatawag na bagua areas. Halimbawa, ang water fountain ay palaging inilalagay sa North, East o Southeast feng shui areas, habang ang fireplace ay mainam na huwag ilalagay sa West o Northwest.
Ang punongkahoy ay nabibilang sa Wood feng shui element, kaya ilagay ito sa erya na tugma sa wood feng shui element, o kung saan mapakikinabangan ang enerhiya nito
Ang best feng shui areas para sa Christmas tree ay ang East (Health and Family), Southeast (Money and Abundance), at South (Fame and Reputation).
Ang paglalagay ng Chrismas tree sa alin mang feng shui areas na ito ay magdudulot ng harmonious energy dahil sa beneficial balance ng five feng shui elements.
Lady Choi