ELIB na ko sa lungsod ng Maynila at malaya na pala ang operasyon ng mga gambling lord, kaya pala GENABE-GABI ang happenings o kasiyahan ng mga kolektong ng Manila Police District na pinangangasiwaan ni Gen. Isagani Genabe.
Oras na naihatid na ng isang alyas ‘Philip’ na katiwala ng gambling lord na si Boy Abang Simbulan ang mga payola para sa lahat ng mga police station e sa mga mamahaling beerhouse na ang kasunod na eksena … syempre pa, madatung na sila at may pangtip na sila sa mga GRO … ‘yun e kung marunong silang magbigay ng tip hehehe!
Ang mga nagsisilbi pang mga galamay ni Manila bookies king Boy Abang ay sina Edna/Enteng; Jeff Gomez, Tata Paknoy at SPO – 10 Carding Bunganga na enkargado naman ni Zandoval ng NCRPO BICUTAN
Ang kolektor na si Baby Nunez ng MPD PS-1 e bukod sa siya ang tagahatid ng payola sa mga police official e mayroon din pala siyang video karera na nasa Stn 1 & 3 na pati ang jueteng/bookies operation ni Edna/Enteng Rosario ay namamayagpag na at hindi puwedeng salakayin ng mga operatiba kasi timbrado raw sa pulis hanggang sa opisina ng alkalde ng Maynila!?
Kaya pala, sanrekwang mga motorsiklo ang nakaparada sa harap ng bahay na may green gate na nasa Wagas st., Tondo e pamamahay daw ‘yun ng mag-asawang Gutierrez na operator ng video karera… nagre-remit daw ang mga coin collectors nila na pinasusuweldohan naman sila ng P500 kada araw!
E magandang negosyo pala ng mag-asawa at nakatutulong pa sa ibang tao na magkaroon ng mga trabaho!
Mukhang totoo ata ang mga impormasyon na malaya na ang jueteng operation kahit saang lugar sa bansa kasi nag-iipon na raw ng pamondo para sa kandidatura ni DILG Sec. Mar Roxas para presidente sa taong 2016… wala na raw kasing pork barrel na mapagkukuhanan ng pondo kaya pinalarga na ang illegal gambling dahil ito raw ang madaling source para magkaroon ng malaking campaign financial fund?
PAGING Sec. Roxas… pakimaso mo nga ang mga police officials sino si Marlon “ Jigs “ Servillion ABANGAN !!!!
Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm mag txt sa 09196612670 / 09167578424 sa sumbong o reklamo o mag email sa [email protected]
Rex Cayanong