Monday , December 23 2024

Nasaan na ang Manila Bay sunset view sa Roxas Blvd!?

00 Bulabugin JSY
AYON sa isang kaibigan natin, dati raw, aliw na aliw siyang magdaan sa Roxas Blvd., dahil natatanaw niya ang Manila Bay sunset view.

Pero nitong mga nagdaang araw, nagulat siya nang nakita niyang napuno na rin ng TENT ang ROXAS BOULEVARD (baywalk) dahil ginawang TIANGGEHAN ng mga ‘BATA’ ni ERAP.

Mula sa Divisoria, hanggang sa Bonifacio Shrine at ngayon hanggang sa Roxas Blvd., ay pinuno na ng ‘TENT’ na ginawang tindahan, inuman, kainan at kung ano-ano pang negosyo na ang mga pasimuno ay nagpapakilalang mga bright boys ni Erap.

Aba e baka maging tent city na ang Maynila n’yan!?

Hindi ba’t ang dami na ngang nagrereklamo sa ‘kabastusang’ ginawa ng TIANGGE GROUP na ‘yan sa BONIFACIO SHRINE?!

Ngayon naman ay ‘yung ROXAS BLVD., ang binababoy.

Nagtayo ng mga instant ‘comfort room’ na alam naman nating walang septic tank kaya t’yak na mamamantot at mamamanghi ang Roxas Blvd.

Binastos na si BONIFACIO, binastos pa si Roxas.

Nilinis na ni Mayor Fred Lim ‘yang Roxas Blvd. noon, ‘di ba, ngayon naisipan na namang ibalik ng mga walang maisip kundi pagkakaperahan.

Mukhang ‘yan lang ang nasa isip ng mga bata ni Erap, kung paano magkakapera habang nakaupo ang PATRON nila.

Kung ganyan nang ganyan kayo, anong ‘LEGACY’ ang iiwanan ng amo ninyo?

Tsk tsk tsk …

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *