Monday , December 23 2024

Quezon City “Aids capital”

NAKABABAHALA na itong ulat ng Department of Health. Mabilis daw ang paglaki ng bilang ng mga -nahawaan ng AIDS.

Nitong nakalipas na Oktubre 2013 lamang daw ay -nakapagtala ang DoH ng 491 kaso ng mga bagong biktima ng AIDS.

Mas mataas ito sa naitala noong Oktubre 2012 na 295 lamang.

Simula Enero 1984, nang nagsimula sa monetoring ang DoH hanggang Oktubre 2013, ay nakapagtala ang ahensya ng 15,774 kaso ng AIDS sa bansa.

Karamihan pa sa mga biktima ay nasa edad 20s (20-29 anyos), kainitan ng tao sa sex.

Mula Enero 1984 hanggang Oktubre 2013, ang mga -nasawi sa AIDS ay 856 (669 sa mga ito ay lalaki).

Nito lamang Enero-Oktubre 2013 ay 148 ang nasawi, lima sa mga ito ay namatay nitong Oktubre.

Ayon sa tagapagsalita ng DoH na si Dr. Erik Tayag, -pinakamaraming bilang ng kaso ng AIDS ay mula sa -Quezon City. Karamihan sa mga ito ay yaong mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki (bakla).

Ang payo ng DoH, gumamit ng condom sa pakikipag-talik. Kaso, walang hagod ang may balot e. ‘Di feel ang init at sarap. Hehehe…

Kung si Jerry Yap ang mag-advise, “blowjob” na lamang daw, safe na safe!. Hahaha…

Kaya naman “AIDS capital” na itong Quezon City e dahil sa dami ng gay bars at talamak ang prostitutions, dikit-dikit ang mga bahay-putahan. Nagpapaligsahan nga sila ng Pasay at Paranaque.

Hindi nga ba tinawag din na “gay capital” ang Kyusi dahil sa dami rin ng mga bading?

Naglipatan kasi rito ang mga dating namumugad sa -Maynila na pinalayas ni dating Mayor Alfredo Lim.

Meaning, nasa local government o sa kamay ng mayor ang pagsulputan ng mga bahay-putahan at pagtalamak ng prostitutions!

Paging DILG Secretary Mar Roxas, GISING!

‘Spiderman’ sa Maynila, lipulin!

– Mr. Venancio, report ko yung mga umaakyat sa likod ng trak na kung tawagin ay “spiderman”. Nakaaawa naman po ang ninanakawan nila. Minsan isang sakong bigas, asukal, kahit anong makuha nila. Dito po ito ibinebenta sa Brgy. 373-375 sa Tambunting St., Sta. Cruz, Manila. Ang mga -taong ito ay sina Bombo at Amado. Lagi ko po silang nakikita. Pag labas lang po nila, wala pa isang oras, pagbalik may mga  dala na sila. Sana matiyempuhang mahuli ang mga taong ito. Kawawa kasi ang mga nabibiktima nila. – Concerned -citizen

Totoo ito. Kahit dyan sa kahabaan ng Road 10,  mula Delpan, Tondo hanggang pakanan ng Caloocan City ay -marami nito. Sarap ngang targetin!!!

Sobrang talamak na ang shabu

sa Hermosa Pronda

– Report ko po ang grabe ng talamak na bentahan ng shabu rito sa Hermosa Pronda! Parang awa nyo na, -tulungan nyo kami rito. Pati mga kabataan dito biktima na rin, hindi mahuli ng mga pulis. May koleksyon kasi sila rito e. Wala namang magawa ang barangay kasi takot din sila. Malaking sindikato ng droga kasi ang kumikilos dito e. – Concerned citizen

Bangketa sa Sampaloc

ginawang shops!

– Report ko lang po ang problema namin tungkol sa mga kumukumpuni ng mga sasakyan sa bangketa at kalye rito sa Brgy. 441 at 442 sa kahabaan ng J. Fajardo St., mula -Prudencio, Cristobal at Miguelin Sts., Sampaloc, Manila. Ginawa na nilang auto repair shop at cabinet maker ang bangketa at kalye. Wala ng madaanan ang mga tao. Ang barangay walang pakialam. Pls help us.  Maraming -Salamat.- -Concerned -citizen

Ang ganyang problema ay barangay matter. Sino ba ang mga opisyales nyo dyan? Simula na ng trabaho ng mga bagong halal simula kahapon. Magtrabaho na kayo! -Tanggalin ang obstructions sa inyong lugar.

Madalas ang patayan

sa Parola (Binondo side)

– Mr. Venancio, request lang po sana namin kay Mayor Erap na gabi-gabihin ang pagro-roving ng mga pulis ng Stn. 11 sa Parola (Binondo side). Ang dami ng -namamatay dito nang dahil sa barilan po lagi sa may Gate 46, 50 at 54. Sana po makarating ito kay Mayor Erap. Salamat. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. -Concerned citizen

Kung ang mga nagbabarilan dyan ay mga kriminal, hayaan mo na sila para hindi na sila maging sakit ng ulo ng mga pulis.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *