Thursday , November 14 2024

Nepomuceno new BoC-EG Dep Comm (Dating DND-OCD director)

112213_FRONT

SA PATULOY na paglilinis sa mga nalalabi pang tiwaling kawani ng Bureau of Customs (BOC) na nakikipagsabwatan sa smugglers sa pagsabotahe sa ekonomiya ng bansa, nagtalaga na ng bagong deputy commissioner si Pangulong Noynoy Aquino upang maging katuwang ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa pagreporma sa ahensya.

Itinalaga ni Pangulong Aqunio si Ariel Nepomuceno bilang Customs Deputy Commissioner for Enforcement Group (EG).

Si  Nepomuceno na dating Executive Director ng NDRMCC ay nagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of the Philippines. Ang bagong Deputy Commissioner na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1987 ang pinakahuling appointee ng Pangulo para tumulong sa pagbabago ng  Aduana partikular na ang pagsugpo sa anomalya sa ahensya.

Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang appointment ni Nepomuceno at agad ipinadala kay Secretary Cesar Purisima ng Department of Finance, bilang patunay na siya ay pinagkakatiwalaan ng Palasyo.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Nepomuceno si Pangulong Aquino maging si Comm. Biazon sa pagtitiwala sa kanya. Ipinangako ng bagong Dep. Comm. na gagawin niya ang lahat na maitutulong niya para sa bayan.

“The reforms our people are expecting are not only about change of people, but change in people. Not only about re-organization, but making BoC into a functional, client friendly and graft free government agency. Not only about policy change, but ensuring accountable and responsible operations at our respective duty stations,” pahayag ni Nepomuceno.

Ipinanukala ni Nepomuceno na ang BOC ay magiging certified  International Standard Organization (ISO) para ipakita sa taong byayan maging sa buong mundo na seryoso ang ahensya sa reporma.

Bukod dito, tiniyak din ang kalidad na serbiyo ng bureau para sa programa ng Pangulo na “tuwid na daan.”

“Imagine our impact, if we perform our duties with the highest degree of accountability, integrity and transparency. We will contribute to increase the revenue of government, facilitate speedy flow of goods in and out of various parts of our country, and to and from various countries, stir business, create employment and in the end help reduce poverty,” dagdag ng opisyal kaugnay sa importansya ng BOC.

“Our image, as Customs people, is not quite encouraging at the moment but rather challenging,” pahayag ng opisyal kaya siya ay nananawagan sa mga kawani at opisyal ng ahensya na makiisa at suportahan ang kampanya ng gobyerno o ng Pangulo.

“Stand in unity to reform ourselves and our organization into an effective, efficient and graft and corrupt free bureaucracy,” pahayag ng dating DND executive director.

“I encourage everyone to support Commissioner Biazon in helping the victims of typhoon Yolanda by immediately donating all seized food and non-food items stored at BoC stations that can be used for relief and rehabilitation,” panawagan ng EC Deputy Comm.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *