Monday , December 23 2024

Nag-swimming nangisay sa pool

NALAPNOS ang katawan ng isang lalaki nang matapakan ang live wire matapos umahon sa swimming pool sa isang resort sa Binalonan, Pangasinan.

Patay agad ang biktimang si Jestoni Dela Cruz, 23, ng Zone 1, Brgy. Bued, ng nabanggit na bayan.

Nabatid na naliligo ang biktima at sa pag-ahon ay hindi namalayan ang live wire kaya natapakan ito.

Depensa ng pamunuan ng resort, nakita nilang nabagok ang ulo ng biktima matapos mag-dive at tumama ito sa tiles ng swimming pool.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente habang desidido ang pamilya ng biktima na sampahan ng kaso ang pamunuan ng naturang resort. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *