Friday , November 15 2024

Delubyo huwag sanang gamiting dahilan

MAY mga naniniwala na ang nagdaang delubyo na rumagasa sa gitnang Visayas ay gagamitin ng mga pul-politiko para isulong ang pananatili ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) na mas kilala sa mabahong taguri nito na pork barrel fund.

Kahit ayaw na ito ng sambayanan ay bibig-yang katwiran ng mga pul-politiko ang pananatili ng pondong ito sa pagsasabi na ito ay madaling magamit sa panahon ng kagipitan tulad nang nangyari sa Central Visayas kamakailan. Ididiin nila na kung wala ang perang ito ay magtatagal bago pa makakilos ang pamahalaan.

Malinaw na kailangan nga ng pera ng taong bayan lalo na ‘yung mga nasalanta ni Yolanda. Subalit ang perang ito ay dapat magmula sa mga institusyong ang tungkulin ay tumugon sa pangangailangan ng taong bayan sa panahon ng kagi-pitan tulad ng Kagawaran ng Interyor at Local na Pamahalaan (DILG), Tanggulan (DnD), Edukas-yon (DepEd), Pampublikong Gawain (DPWH), o di kaya ng Department of Social Welfare and Development.

Ang paglalagay ng pondo sa mga institus-yong bayan kaysa PDAF at DAP ay maglalayo sa mga pul-politiko sa tukso na pag-interesan ang pera ng bayan. Malinaw sa mga natuklasan natin kamakailan lamang na ang bulto ng PDAF at DAP ay pinagpapasasaan lamang ng mga nasa poder.

Kung susundan natin ang lohika ng mga pumapabor sa pananatili ng PDAF at DAP ay luma-labas na hindi na natin kailangan pa ang kongreso para sa pagpopondo ng mga gastusin ng pamahalaan.

Mangyaring ipasok na lamang ang pera ng bayan sa PDAF at DAP para sa mga indibidwal na pul-politiko na lamang ang magpasya kung saan gagastusin ang pera. Ito ay katulad ng pagpapasya ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na bigyan ng milyon-milyong piso mga senador mula DAP matapos bumoto na sibakin si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa poder. Ang tila kwestyonableng kilos  ng pangulo ay ibinulgar ni Sen. Jinggoy Estrada sa isang pri-vilege speech niya sa senado.

Malinaw na walang oversight o control kung paano gagastusin ang mga perang ito. Dahil dito ay bukas ito sa pagkakataon na kurakutin ng mga mapagsamantala sa pamahalaan. Ito ang dahilan kaya marami ang nananawagan na dapat nang alisin ang PDAF at DAP at iba pang uri ng pork barrel.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *