Friday , November 15 2024

Jueteng ni Luding sa Baguio at La Trinidad nakalusot kay CIDG Dir., Chief Supt. Uyami

00 Bulabugin JSY

BIGLA na naman daw nabuhay ang JUETENG NI LUDING sa Baguio at sa La Trinidad.

Kaya bigla na naman nag-piesta ang mga lespyak na corrupt. Kung dati ay lagi silang malungkot dahil walang ma-ORBITAN, ngayon ang ngisi nila’y parang aso na naman.

Sa totoo lang TABLADO (raw) kay CIDG director Chief Supt. Frank Uyami, Jr., ang JUETENG.

Kaya walang maaasahang INTELIHENSIYA ang mga lespyak na corrupt.

Mahigpit sa  pagpapatupad ng “ONE STRIKE POLICY” si GEN. UYAMI kaya nagtataka tayo kung bakit nakakaladkad ang pangalan niya ngayon sa JUETENG NI LUDING sa Baguio at La Trinidad.

Ipinangangalandakan ni ‘LUDING’ na may basbas umano mula kay GEN. UYAMI ang kanyang jueteng sa Baguio at La Trinidad kaya tulog lang daw ang happiness ng mga LESPU.

Gen. FRANK UYAMI Sir, mukhang naiisahan o iniisahan ka ni LUDING WETENG…

Nailusot na ang jueteng niya sa Baguio at sa La Trinidad, GINAGAMIT pa ang PANGALAN mo!?

Palalampasin mo lang ba ‘yan?!

ANG JUETENG NI BOSSING ALLAN SA PARAÑAQUE AT ANG TONGPATS NA SI PUNYETA ESTE TENYENTE TIAGONG AKYAT!

HETO pa ang isang PALUSOT pero namamayagpag … ang jueteng ni BOSSING ALLAN M., sa Parañaque City.

Lantad na lantad daw ang jueteng na ito ni ALLAN M., sa Parañaque. Kumbaga walang makaporma kasi ang press release naman nito ‘e areglado ang City Hall at Southern Police District.

Isang punyeta este alias tenyente ROLLING TIAGONG AKYAT ang umaareglo ng TONG-PATS sa CITY HALL.

Siya raw ang ‘inatasan’ ni MAYOR para TUMANGGAP ng parating mula kay ALLAN M.?

Patay kang bata ka Mayor Edwin Olivarez, hindi pa ba sumasakit ang ULO mo sa mga ‘BUKOL’ ni punyeta este tenyente TIAGONG AKYAT?!

Ang matunog na BALITA, aba ‘e napakalaking bahay daw ang ipinatatayo ngayon ni Tenyente Tiagong Akyat ‘d Tongpats.

Aba, NCRPO chief, GEN. MARCELO GARBO Sir, e kailangan mo na yatang ipa-LIFESTYLE check ‘yang si punyeta este tenyente TIAGONG AKYAT, mukhang mauuna pang magpagawa ng MANSION sa iyo.

I-lifestyle check na ‘yan!

MAY DELICADEZA PA BA SI COMELEC COMMISSIONER GRACE PADACA?

MABILIS lang palang nalusutan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Grace Padaca ang bench warrant na inisyu ng Sandiganbayan laban sa kanya nang hindi siya dumalo sa kanyang nakatakdang arraignment nitong nakaraang Oktubre 17.

Dahil sa kanyang hindi pagdalo, kinansela nina Associate Justices Gregory Ong at Jose Hernandez ang kanyang piyansa at nagpalabas ng arrest warrant.

Pero to the rescue naman pala agad ang PNoy appointees na sina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang .

Agad umanong nagpasaklolo si TANG sa Supreme Court upang makuha niya ang chairmanship sa Third Division ng Sandiganbayan mula kay Associate Justice Jose Hernandez upang maibasura ang arrest warrant laban kay Padaca.

Kaya bago pa man maihain ang arrest warrant kay Padaca nitong nakaraang Martes, ang dalawang justices na sina Ong at Hernandez ay natadyakan na para ilipat sa ibang dibisyon.

Aray, ang sakit!

Ang natira ay si Associate Justice Samuel Martires na nanatiling senior member ng dibisyon, next in rank sa bagong chairman na si Tang.

Bukod d’yan binitbit na rin ni Tang si Associate Justice Alex Quiroz bilang junior member ng dibisyon.

Kaya nitong proceedings nakaraang Martes, agad pinaboran ni Tang ang petisyon ni Padaca na ibasura ang arrest warrant at hayaan siyang makapaghain muli ng piyansa.

Wow!

Ganyan lang pala kabilis kapag ALYADO ng Pnoy administration ang maghahain ng petisyon para pigilin ang isang arrest warrant.

Sukdulang baliktarin at paikutin ang mga tao sa Supreme Court at sa Sandighanbayan basta huwag lang makulong si Commissioner Grace Padaca sa P25-million graft and malversation cases.

Naalala pa natin nang sumampa ang nasabing kaso ni Commissioner Padaca, agad nagpaluwal si PNoy ng P70,000 para sa kanyang piyansa habang si Interior Secretary Manuel Roxas II sinamahan pa siyang magbayad.

Tsk tsk tsk …

Mukhang malakas pa sa 7.2 magnitude na lindol ang POWERS ni Commissioner Padaca sa administrasyon.

Hindi maikakaila na malaking isyu na naman ‘yan sa administrasyon ni PNoy.

Unsolicited advice lang Commissioner Grace, hindi pa pwedeng mag-LEAVE ka muna para hindi naman makompromiso ang PNOY administration?!

Akala natin e sina Chairman SixTONG este Sixto Brillantes at Commissioner Elias Yusoph lang ang walang delicadeza d’yan sa Comelec, aba ‘e meron pa palang iba.

Aba, ‘e, mag-PRACTICE naman kayo ng DELICADEZA!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *