PAMINSAN-MINSAN, makaraan ang ho-liday o stress sa trabaho, ang inyong enerhiya ay bumababa at napapagod ang katawan.
Ang pag-focus sa inyong home feng shui para makatulong sa pagpapalakas ng inyong energy levels ay mainam na ideya.
Maaaring wala kang enerhiya para maalis ang clutter o magsagawa ng major furniture rearranging, ngunit maaari ka pa ring gumamit ng madaling feng shui solutions para makatulong sa iyo.
Narito ang ilang quick feng shui tips upang matulungan na muling mapasigla at mapalakas ang enerhiya ng katawan sa pama-magitan ng five elements theory kasama ng ano mang detox/cleansing program na inyong mapipili.
*Linisin nang mabuti ang inyong kusina at idispatsa ang ano mang unhealthy foods.
*Magtanim ng herbs katulad ng basil, rosemary o mint (Wood feng shui element), sa clay pot (Earth feng shui element) at maghanap ng magandang lugar para sa mga ito sa kusina.
*Panatilihing mayroong tubig sa lugar. Mai-nam na ideya ang paglalagay ng spring water bottles (Water feng shui element) at palitan ito kapag naubos.
*Maglagay ng 9 oranges (Fire feng shui element) sa round metal bowl (Metal feng shui element). Palitan ang mga ito kapag naubos.
*Tiyaking may sapat na hangin ang kusina at palaging may natural na liwanag.
Ang pagkakaroon ng good feng shui energy flow sa kusina ay katulad ng pagkakaroon ng malakas na support system sa inyong health-related initiatives.
Lady Choi