Monday , January 6 2025

Rely Yan: E.R. Ejercito, baro’t salawal lang ang dala

“NANG dumayo at dumating sa bayan namin sa Pagsanjan, Laguna,” ani Rely Yan.

Romy Panganiban:  “Sa isang maliit na kuarto, sa may garahe ko lang ‘yan nakikitira, tapos ngayon, napakataas niyang magsalita.”

Ayon naman kay  Panganiban na classmate ni afuang nuong high school sa sta. Cruz, laguna.

ito po bayan ang pagbubulgar na pahayag na sagot sa magkahiwalay na panayam  kay relly yan at romy panganiban ng mga kapatid nating mamamahayag noong buwan ng marso 10,2013 before may 2013 election. Nang sinabi ni e.r.ejercito sa “umagang kay ganda sa abs-cbn na mayaman siya, kaya hindi na niya kailangan ipakita pa  ang kanyang saln. Hambog!!!

balik tayo kay rely yan alyas “kunat” at kay romy panganiban, ex dpwh iv-regional director- (by d-way, tapos na ba p-noy ang mga kasong anti-graft nito  sa sandiganbayan?) Classmate po pareho ni mayor abner afuang ang dalawang buwakang inang ito. Grade 1 to grade 6 si rely yan na ngayo’y dinadialysis.

si romy panganiban naman ay classmate ni afuang noon sa pedro guevarra memorial high school sa sta.cruz, laguna. Pati na ang namayapang utol ni cong. Egay san luis na si boyie, mga anak ng matagal nang namayapang legendary governor of laguna ever had; gov.felicisimo san luis. Walang-wala sa kalingkingan ng dayuhang naging gobernador kuno ng malalang krimen sa laguna e.r. ejercito. Na sinibak ng comelec dahilan sa overspending. How about “vote buying” comelec chairman sexto este sixto brillantes? “politics for sale?” Since then, dito sa filipinas.alam mo yan atty.brillantes. Moron!!

balik po tayo sa dalawang tarantadong classmate ni afuang na si romy panganiban. Ito ang sinabi ni  romy panganiban: ako ang una niyang nilapitan para mag-kandidato ‘yan ng mayor ng pagsanjan. Pinakiusapan niya akong ilapit siya kay pres. Erap dahil ayaw na ayaw ‘yang pakandidatuhin ni erap dahil alam niyang iba ang kanyang ugali. Sa isang maliit na kuwarto sa may garahe ko lang ‘yan nakikitira.. Tapos ngayon, napakataas  niyang magsalita.”

humingi sa akin ng isang milyon‘yan para sa pagkandidato ng mayor ng pagsanjan. Pinagbigyan ko, dahil sa paggalang ko sa dating pangulo at dahil sa kabaitan ng mga anak nito na sina jinggoy at jv. Tapos humingi ‘yan ng apat na raang libo, pero binigyan ko ng kalahating milyon paar ipambayad niya sa  watchers. Kung ano ang kinapino ng ugali ng mag-aama ni erap ay siya naming niyabang at kinabalasubas ni er na pamangkin lamang. Dahil sa kayabangan at sobrang bilib sa sarili kung bakit walang utang na loob at “di marunong lumingon si er sa kanyang pinanggalingan. Ang sinasabing  siya ay nagmana kay erap ng mga lupain ay naglalagay sa dating pangulo sa kahihiyan. Ginagamit niya ang pamilya ejercito para maitago ang kanyang “di maipaliwanag na biglang pagyaman. Alam ko ang mga ari-arian ni erap sa laguna at walang pinamana sa kanya. Papaano siya pamamanahan samantalang pamangkin lang siya at napakaraming anak ni erap? Pa’no niyang sasabihin pinamanahan na siya gayong buhay pa ang kanyang ina? Papaanong sasabihin niyang 30 taon siyang artista kaya marami siyang pera gayong kalian man ‘di siya naging bida? Patanong na tinuran ni dir.panganiban. “hindi  naman sa kung ano pa man, si e.r. hindi nagmukhang tao, kundi gawa ko. Ito ang mga pahayag ni romy panganiban sa mga mamahayag.

ayon naman sa negosyanteng si rely yan ng pagsanjan, “kahit na ako ay may karamdaman ngayon, sinasabi kong si gov. Er sa aking opinyon ay “tuso at ganid”. Napakarami niyang pinahirapang tao at ginipit na mga negosyante. Wala siyang kinikilalang utang na loob dahil sa kanyang kahambugan.”

kung totoong wala siyang tinatago, bakit hindi na lamang niya ilabas at ipaliwanag ang daang-daang milyong laman ng kanyang saln? Hindi ako naniniwalang siya ay anak mayaman na at maraming kinita bago pa magpunta ng pagsanjan, laguna. Ako ang utangan niyan nang siya ay unang dumapo sa pagsanjan,laguna. Baro at salawal lamang ang dala niya. Hindi naman lehitimong taga-laguna ‘yan. Hindi  siya marunong gumalang sa mga matatanda at sa maliliit na mamamayan. Bengador kaya marami ang natatakot, pero alam ko kung papaano namumuhi sa kanya ang mga nakakausap kong mga taga-kapitolyo, ayon kay rely yan  na kasalukuyang dina-dialyis up to the present.

ang nasabing debate ay nagbunga ng negatibong reaksyon sa mga mamamayan ng laguna dahil sa sinabi ni ejercito na siya raw ay anak-mayaman, at ang angkan ng ejercito ay mayayaman at maraming lupain at hindi hampaslupa.  Ayon sa mga nakapanood, hindi nila malunok ang pag-uulit-ulit ni ejercito ng salitang hampaslupa na parang idiniin sa kanila na kapag ang isang tao ay ‘di mayaman at walang mamanahin ay hampaslupa na ito.

sa ginawang pagsasaliksik ng pinoy parazzi, lumalabas na ang ginastos sa pag-produce ng pelikulang asiong salonga ay p80-m at kumita lamang sa takilya ng p50-m, habang ang el presidente ay ginastusan ng tinatayang p110-m na kumita lamang sa takilya nang  mas mababa pa sa  p40-m, ayon sa mmda.

ayon sa hampaslupa movement, malinaw na si er ay nanlilinlang sa paggamit ng pagiging artista niya kaya siya yumaman. Ang tanong nila, saan nagmula ang ginagastos para isapelikula ang kuwento ni asiong salonga at emilio aguinaldo? Ilabas niya ang saln. Hindi sapat na akusahan niya ang mahihirap at walang mamanahin na  hampaslupa para lamang patunayan na siya ay mayaman at makapangyarihan. Itutuloy.

Elmer l. Ranillo vs

the ombudsman

& E.R. Ejercito et’al

Ca-g.r.no.91955- tadtad na ng burak at lumot sa court of appeal ang kasong anti-graft na apela ng complainant na si besoy ranillo ng pagsanjan,laguna vs er ejercito et’al and the ombudsman. Nasa sala at matagal nang inaamag sa upuan ni justice barza noon pang agosto 28,2006. Justice delayed ,justice denied.nangangahulugan na totoo na ang sinabi noon ng dating ombudsman mercidita gutierrez na may dirty dozen sa court of appeal.anong say mo ma’m arlene.@#$%^&*()! Yan.

ini-dismiss po ito bayan ng ombudsman. One million dollar question na dapat sagutin ng ombudsman. Bakit? Dahilan ba sa pamangkin o nephew ni deputy ombudsman for luzon victor fernandez si kon.lailani fernandez, na isa sa mga akusado? Brother ni cong.dan fernandez. No one is above the law. Ito ba ang matuwid ba landas p-noy? Puro baluktot pa rin aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. Bulok ang justice system sa filipinas @#$%^&*()! Lahat na sila.

Abner Afuang

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …

Moira dela Torre

Moira lumamlam na ang career, binitiwan na ng Cornerstone

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTATAKA ng mga netizen ang tila paglamlam ng career ni …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Green Bones

Jen grabe ang iyak nang mapanood ang Green Bones

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD na namin ang pelikulang Green Bones na pinagbibidahan nina …

Arjo Atayde Julia Montes Sid Lucero Topakk

Topakk nadagdagan ng sinehan

MATABILni John Fontanilla HABANG patuloy na ipinalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Topakk na entry …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *