Monday , December 23 2024

Pasay cop, S/Supt. Rodolfo Llorca, sinibak na! (Palakpakan!)

00 Bulabugin JSY
MABUTI naman at nasibak na si Pasay City chief of police (COP), S/Supt. RODOLFO LLORCA.

Ang pagkakasibak (kasabay sina Mandaluyong police chief S/Supt. Armando Bolalin at Taguig COP S/Supt. Arthur Felix Asis) kay Llorca ay bunsod ng “underreported crime incidents sa kani-kanilang area of responsibility (AOR).”

(Kanino ngayon ihahatag ni Pasay bagman alias Ka Allan Aspeleta ang kanyang P.5-M kolekTONG? Sa Pasay PNP-SOU kaya?)

Ang pinakamalinaw na EXAMPLE ng kainutilan nga ni KERNEL LLORCA ay ang pinakahuling insidente ng bus (Bataan Transit) nang mapadaan sa ilalim ng overpass sa Roxas Blvd., na hinagisan ng bag sa bubong nito na lumikha ng tensiyon dahil kinatakutan na baka bomba ang laman.

Talagang MASYADO tayong nainutilan kay Pasay City chief of police (COP) S/Supt. Rodolfo Llorca.

Hindi natin alam kung NAGPAPANSIN lang ba siya para pagkaguluhan ng MEDIA o talagang hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag may EOD (Explosive Ordinance Division) emergencies?!

‘Yan po ay naganap nakaraang Miyerkoles ng hapon.

Pero ang ipinagtataka natin dito, isang emergency case ito na inabot nang hanggang madaling araw ang pagreresolba at naging ugat ng katakot-takot na pagkakabuhol-buhol ng trapiko sa Roxas Blvd., sa Buendia hanggang Makati, sa Coastal Road hanggang sa Airport …hanggang SLEX…

Pero higit sa lahat, nabwisit ang buong Metro Manila kay LLORCA dahil sa kainutilan niyang resolbahin ang nasabing insidente sa mabilis na paraan.

Kung nakamamatay lang ang ‘mura’  t’yak pinaglalamayan na ngayon si Llorca (pasintabi) sa dami ng taong pinagmumura siya dahil sa tindi ng kabwisitan sa kanya.

Ikaw man ang lumagay KERNEL LLORCA sa sitwasyon ng mga na-stranded na pasahero, ‘yung mga na-late sa flight nila at sa appointments nila ‘e hindi ka lang MAGTUTUNGAYAW, baka NAMARIL ka pa!

Kaya dalawa lang ang IMPRESYON nila sa ginawa ninyo KERNEL LLORCA, INCOMPETENT KA o NAG-UULYANIN KA NA?

Anyway, isinusulat natin ang kolum na ito ay ini-announce na nga na SINIBAK na sina LLORCA at ang mga chief of police ng Mandaluyong at Taguig …

Well, well … good riddance KERNEL LLORCA!

ANG SSS … KABALIKAT NG BULSA NI EMIL DE QUIROS

HIRAMIN natin ang quote ni Pangulong Benigno Aquino III … “saan kumukuha ng KAKAPALAN ng MUKHA ang mga board ng Social Security System (SSS) sa pangunguna ng dating banker at ngayon ay presidente nila na si Emil de Quiros?”

BUKING na BUKING kayo na pinagpapasasaan ninyo ang kontribusyon ng mga empleyado at manggagawa at counterpart ng mga employer, sa pamamagitan ng pagbulsa ng milyon-milyong BONUSES tapos sasabihin ninyo hindi galing ‘yan sa kontribusyon ng mga miyembro?!

‘E saan pala galing ‘yang mga MILYONES na ‘yan?!

Isa pang MAKAPAL ang MUKHA na nagsanggalang sa inyo ay si Presidential spokesperson Edwin Lacierda … ano nga sabi?

Hindi raw galing sa kontribusyon ng miyembro ang bonuses ng  mga opisyal ng SSS kundi sa kinita nila …

‘E saan pala galing ang KITA? Paano KUMITA? Saan galing ang puhunan?!

Ginugulangan n’yo na ang mga miyembro, ginagawa n’yo pang ENGOT.

Huwag naman sana … pero alalahanin ninyo ang lahat ng sumusobra sa pangangailangan ‘e may napupuntahan …

Pinagpawisan ng mga empleyado at manggagawa ‘yang ‘KONTRIBUSYON’ na ‘yan, huwag ninyong PAGPASASAAN!

Matatalino kayo, nakapag-aral at alam ninyo ang BATAS, kaya alam na alam ninyong ILEGAL ‘yang MILYONG-MILYONES na BONUSES ninyo.

Huwag ninyong gamitin ang mga natutunan ninyo sa PANGGUGULANG at PAGNANAKAW sa maliliit na mamamayan.

Naghihikahos na nga ‘GINUGULANGAN’ at ‘NINANAKAWAN’ n’yo pa?!

Uulitin ko lang …

Ang KAKAPAL NG MUKHA ninyo, Mr. De Quiros, ISOLI n’yo sa PONDO ng SSS ‘yan!

SALAMAT PO SA EMBOA!

GUSTO po natin samantalahin ang pagkakataon para pasalamatan ang Ermita-Malate Business Owners Association (EMBOA) sa ipinagkaloob nilang CERTIFICATE OF APPRECIATION sa HATAW at sa inyong lingkod.

Mabuhay po kayo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *