Monday , December 23 2024

Premier City of Muntinlupa namumunini ang Jueteng

00 Bulabugin JSY
ISA ngayon ang Muntinlupa sa tinatawag na premier city sa Metro Manila.

Mula sa isang malawak na talahiban, biglang umusbong ang mga posh subdivision and villages na ang mga nakatira ay mga who’s who in the Philippine business and hi-society communities.

Kaya naman nagulat tayo nang may nakarating na INFO sa atin na maging ang Muntinlupa ay hindi pinatawad ng operasyon ng ilegal na 137.

At ang higit na nakagugulat, ang protektor umano ng TENGWE sa Muntinlupa ay nasa tungki lang ng ilong ni Mayor Jaime Fresnedi.

Putok na putok ang pangalan ng isang ALIAS ‘SALBADOR’ na nagpapakilalang ‘BAGMAN’ ng Muntinlupa City Hall kaya tuloy lang daw ang HAPPINES ng 137 operators sa HI-END na SIYUDAD ng MUNTINLUPA.

Open na open at parang walang ONE STRIKE POLICY ang Philippine National Police (PNP) kung lumarga ang JUETENG sa Muntinlupa na ang management ay isang alyas BOY ARUJADO, JOSIE BORJA, SAMBOY, EMILY, TISAY at LANDO.

For the benefit of the doubt, ayaw natin maniwala na may KINALAMAN si Mayor JAIME FRESNEDI sa ‘walang takot’ na largahan ng JUETENG sa Muntinlupa pero ang TANONG nga, bakit mismong ang protektor ay d’yan namumunini umano sa iyong opisina, Mayor Fresnedi?!

Tsk tsk tsk … kaya naman pala parang tiyope ang dating ni Muntinlupa police chief, Supt. Mario dela Vega dahil mukhang NAKADIREKTA ang TENGWE OPERATORS sa tanggapan ni MAYOR FRESNEDI?!

NCRPO chief, GEN. MARCELO GARBO, JR., Sir, ano ba talaga ang status ng ONE STRIKE policy mo?!

Ay sus … tanggalin na ‘yang  ONE STRIKE POLICY na ‘yan kung nagiging INUTIL at SELECTIVE lang naman.

‘Di ba, DILG Secretary Mar Roxas?

ANG ULAT SA MASA NI Ex-PRES. ERAP ESTRADA, BOW!

NAG-ULAT daw ng kanyang ika-100 araw si ex-Pres. Erap Estrada bilang alkalde ng Maynila (pero under protest pa ito).

Tinawag nilang ULAT SA MASAMA ‘este’ MASA ang ulat ni Erap.

Pero sa lugar na ginanapan pa lang ng kanyang ulat ay mukhang SALTO na.

ULAT SA MASA pero sa 5-star na Manila Hotel ginanap?!

Bakit hindi sa Plaza Miranda, sa city hall o kaya ay sa Tondo o kaya ay sa Bonifacio Shrine?!

Kanino ba talaga siya nag-ulat sa MASA o sa mga negosyanteng nagbigay sa kanyang campaign fund nitong nagdaang eleksiyon?!

Ano ang ini-report ni ex-Pres. Erap?

Wala na raw SUGAL sa Maynila. Weee?

‘E bakit pinagsisisibak n’ya ‘yung mga PCP commanders kung wala na talagang SUGAL sa MAYNILA?!

Saka bakit PCP commanders lang? Bakit hindi ‘yung mismong station commanders!?

Wala na raw KOTONG sa Maynila … weeee  (ulit)?

‘E araw-araw ngang UMIIYAK ang mga vendor sa DAMI ng NANGONGOTONG sa kanila.

Hindi raw nangyari ‘yan sa kanila noong panahon ni Mayor Alfredo Lim. Dahil binigyan sila ng oras at lugar ni Mayor Lim kung saan at kailan sila pwedeng maglatag ng paninda.

Ngayon, para silang kriminal na tinutugis kapag naglalatag ng paninda, pagkatapos ‘e halos kunin pa ng mga MANGONGOTONG mula sa Hawkers at DPS ang kinita nila sa maghapong pagtitinda at pakikipaghabulan sa mga mangongotong.

Ang mga BASURANG nagkalat ngayon na noong nangangampanya si Erap ay nagsabing marumi ang Maynila. Sandamakmak na rin at kung saan-saan  namemerhuwisyo ang mga ipinagbawal noon ni Mayor Lim na towing/wrecker truck na hulidap ang lakad.

Kumusta naman ang ANIM na OSPITAL sa LUNGSOD ng MAYNILA?!

Mayroon bang iniulat si ex-Pres. Erap tungkol dito?

Paglalaanan ba nila ng BUDGET ang anim na ospital o tuluyan nilang sisirain ang serbisyo at hihiyain sa publiko ang administrasyon ng  bawat ospital para magkaroon sila g dahilan na IBENTA na lang sa pribadong grupo?!

FYI Yorme Erap, umiiyak na ang mahihirap na residente ng Maynila ngayon dahil kung noon sa panahon ni Mayor Lim ay libre ang mga gamot ngayon ‘e  WALA nang libreng gamot sa mga ospital sa Maynila. Ultimo dextrose sila na ang bumibili at baka sa susunod pati bulak ay bilhin na rin nila!?

Tsk tsk tsk …

‘Yan ba ang tunay na para sa MAHIRAP?!

Kayo na po ang humusga.

GOOD LUCK SA LAHAT NG BARANGAY CANDIDATES NA MAGHAHAIN NG COC SA ARAW NA ITO

UNA, nais nating pasalamatan ang mga kababayan natin na maghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) para sa darating na halalan sa Oktubre 28 (2013). Maraming salamat sa inyong layunin na makapaglingkod sa kinabibilangan ninyong mga komunidad.

Mabuhay po kayo!

IKALAWA, gusto po natin paalalahanan ang Commission on Elections (Comelec) na sanay maging sistematiko sa pag-aapruba sa kandidatura ng mga aplikante.

Sana, sa paghahain palang ng COC ay hanapan na ng clearance mula sa Ombudsman, Sandiganbayan, sa PNP at court clearance para mapatunayan ng isang aplikanteng kandidato na siya ay karapat-dapat tumakbo alinsunod sa batas.

Ang nagiging problema kasi ng Comelec tanggap nang tanggap sila ng aplikante tapos patatakbuhin kahit may Ombudsman dismissal o protesta sa COC.

Kumbaga, kulang ng ‘yagbols’ ang Comelec para mag-DISQUALIFY ng mga kandidatong  mayroong mga nakabinbing kaso sa Ombudsman, Sandiganbayan  o kaya ay ‘yung mga CONVICTED na sa mga kasong may kinalaman sa MORAL TURPITUDE.

‘E paano kung manalo ang mga kandidatong mayroong ganyang kaso?! ‘E di maghahain na naman ng kaso ang interested parties o ang constituents mismo.

Lalo tuloy nababalam ang pag-usad ng katarungan para sa mga mamamayan.

‘Yan po ang isang major issue na dapat resolbahin ng Comelec dahil marami raw tumatakbo ngayon sa barangay na mayroong mga kasong drug, rape, estafa,  etc.

Aba, Commissioner SixTONG ‘este’ Sixto Brillantes, Jr., Sir, kahit man lang sa ganyang kondisyon ay mabigyan ninyo ng kapanatagan ng loob ang mga botante.

Huwag n’yo namang ‘KUNSUMIHIN’ ang barangay election.

Pwede ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *