Sunday , December 22 2024

Pabrika ng plastic perhuwisyo sa mga residente ng Bustos, Bulacan (Attention: DENR Sec. Ramon Paje)

00 Bulabugin JSY

NAGTATAKA ang mga residente sa Barangay Catacte sa Bustos, Bulacan kung paanong nabigyan ng permit ang isang plastic factory sa kanilang area gayong residential at agricultural area sila bukod pa na isang beses lang nagsagawa ng public hearing sa mga residente.

Bukod sa hindi tamang ZONING, ang pabrikang PHIL KOR CORP., na pag-aari ng isang Koreano ay nagbubuga ngayon ng napakabahong amoy at labis na nakapeperhuwisyo sa mga residente.

Tatlong linggo pa lamang nag-o-operate ang PHIL KOR pero kapansin-pansin na karamihan sa matatanda at mga batang residente sa nasabing barangay ay nagkakaubo, nagkasipon, mayroong nagkahika habang ang iba naman ay nagkaroon ng malalang allergy at iba pa ay nasusuka at nahihilo.

Talagang grabe ang perhuwisyong inabot ng mga taga-Catacte dahil sa POLUSYON na ibinubuga ng pabrikang Phil Kor.

Ang nasabing pabrika ay nagre-RECYCLE ng mga lumang plastic na ginagawang batya, banyera, planggana at iba pang kagamitan na yari sa plastic.

Sa isang beses na public hearing, napapayag umano ang mga residente sa pagtatayo ng nasabing pabrika dahil tiniyak umano ng isang Engr. Noel ng nasabing kompanya na hindi maglalabas ng polusyon.

At bilang pampalubag-loob, ang mga residente na malapit sa naturang pabrika ay pinagbibigyan nila ng mga plastic na batya, banyera, palanggana at iba pang gamit sa bahay.

Inakala ng mga residente na magkakaroon pa ng inspeksiyon bago tuluyang payagang buksan ang nasabing pabrika pero nagulat na lang sila nang mamalayan nilang nag-o-operate na pala at naamoy na nila ang napakabahong amoy ng nilulusaw na plastic.

Dahil dito agad nilang inireklamo kay Barangay Chairman ADRIANO GUINTO ang operasyon ng nasabing pabrika pero patuloy umanong iginigiit ng isang Engr. Noel na ‘inayos’ na nila ang barangay.

Ipinagmamalaki rin umano ni Engr. Noel na protektado din sila ng mga tauhan ni DENR Region 3 Director AXIOM DISCOCHO.

Nanawagan ang mga residente ng Barangay Catacte kay Mayor ARNEL MENDOZA na masusing imbestigahan ang operasyon ng nasabing pabrika at agad ipasara kapag napatunayang labis na napeperhuwisyo ang kalusugan ng mga mamamayan gayondin ang kanilang kapaligiran.

Engr. Noel, huwag mong UBUSUIN ang pangalan ng mga opisyal sa Bulacan at baka MASILAT ka d’yan!

Tingnan natin ang POWER ng NAMEDROPPING mo!

2013 MISS WORLD MEGAN YOUNG  NAGSILBING SAVING GRACE  SA KRISIS NG PH

NASA labas tayo ng bansa nang mapanood natin ang coronation night ng 2013 Miss World.

Nalungkot nga tayo kasi sa ilang araw na nasa labas tayo, ang naririnig natin sa mga kababayan natin ay ang mga negatibong balita gaya ng PORK BARREL SCAM, ZAMBOANGA SIEGE at iba pang masasamang balita tungkol sa bansa.

Kaya naman nang KORONAHAN si Ms. Megan Young bilang 2013 Miss World ay kasama tayo sa milyon-milyong Pinoy na nasa labas ng bansa na nakigalak at nakipagbunyi para sa kanyang panalo.

Salamat naman at NAKABAWI tayo.

Tunay na SAVING GRACE ang pagkakapanalo ni Megan Young para sa ating mga Filipino at sa buong bansa.

Sa umpisa pa lamang ay kompiyansa na ang maraming Pinoy na makapag-uuwi ng karangalan si Megan dahil sa ipinakita niyang performance sa nasabing beauty pageant.

Kaya naman mas lalong natuwa ang sambayanan nang siya ang TANGHALING 2013 MISS WORLD.

Mantakin ninyong ilang DEKADA bago natin nasungkit ang KORONA?!

Anyway, MARAMING SALAMAT, Megan!

Maraming salamat sa iyong pagsisikap na iuwi ang karangalan sa bansa.

Sana’y makatuwang mo rin ang  sambayanan sa pangako mong, “I promise to be the best Miss World ever.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *