MARAMI ang hindi pamilyar sa gamit ng Pi Yao, o Pi Xiu. Ngunit hindi ito dahilan upang mabawasan ang power ng Pi Yao. Sa katunayan, ang Pi Yao (Pi Xiu) ang tanging feng shui cure na ginagamit sa flying stars school of feng shui bilang proteksyon laban sa specific type ng negative energy, ang tinatawag na Grand Duke (Tai Sui).
Kung nasusundan n’yo ang annual feng shui updates, maaaring i-tsek ang best area para sa posisyon ng Pi Yao (Pi Xiu) bilang protective feng shui energy sa taong ito. Kung kayo ay nagsisimula pa lamang sa feng shui at sa maraming applications nito, hindi ba kayo naku-curious na mabatid kung paano ginagamit ang mythical creature na ito na tinaguriang Pi Yao (or Pi Xiu), sa feng shui?
Hindi lamang most powerful protective feng shui cure ang Pi Yao (Pi Xiu) laban sa Grand Duke (flying stars school term), ito ay good feng shui din para sa pag-akit ng yaman.
Para sa mga nagsisimula pa lamang sa feng shui, ang Pi Yao ay kahawig ng Fu Dog, gayundin sa Chi Lim. Katulad ng Chi Lin, ang Pi Yao (Pi Xiu) ay maaaring gamitin nang pares o mag-isa lamang.
Lady Choi