Sunday , December 22 2024

PDAF ni Rep. Rubiano, Mayor Calixto ng Pasay pinaiimbestigahan sa COA

MARAMING readers ng pitak na ito at avid listeners ng aming programa sa radio ang nagtatanong kung bakit hindi raw kasamang binabanggit ang pangalan ni Pasay City Rep. Emmy Calixto-Rubiano sa listahan ng mga mambabatas na sangkot sa pagnanakaw ng pork barrel.

Ilan sa mga residente ng naturang lungsod na tumawag at nag-text sa atin ang nagsabi na dapat daw ay busisiin din ng Commission on Audit (COA) kung paano ginasta ng kagalang-galang na kinawatan, este, kinatawan ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Pinagdududahan nila kung saan inilagak ni Rubiano ang kanyang PDAF dahil wala silang nabalitaan o nakitang proyekto sa kanilang lungsod na pinondohan ng kanyang P245 milyong  pork barrel sa loob ng nakalipas na mahigit tatlong taon.

Si Rubiano, na galing sa political dynasty ng mga Calixto sa Pasay City, ay nakababatang kapatid ng alkalde ng lungsod na si Antonino “Tony” Calixto at nasa ikalawang termino na bilang kongresista.

‘PATAY’ GENERAL HOSPITAL,

NANGGIGITATA SA DUMI

AYON sa mga tumawag sa atin, gasgas na gasgas ang Pasay City General Hospital kapag binibigyan ng katuwiran ni Rubiano ang paggugol sa kanyang PDAF.

Pinalalabas kasi niya na ang malaking bahagi ng kanyang pork barrel ay inilalagak sa nasabing ospital, pero kung totoo ito, bakit hindi maramdaman ng mga mamamayan ang pagganda ng serbisyo ng pagamutan?

Ultimo bulak ay pinababayaran sa mga pasyente sa ospital kahit na karamihan ay mahihirap na residente ng lungsod.

Mula raw nang maghari sa lungsod ang magkapatid  ay lalong napabayaan ang ospital, nanggigitata at napakarumi ng pasilidad kaya’t hindi na mabilang ang pasyenteng namatay rito, sabi pa ng mga tumawag sa atin.

Kaya nga raw imbes na Pasay, ay ‘PATAY GENERAL HOSPITAL’ na ngayon ang bansag sa lumang pagamutan.

Ang masaklap pa raw, parang mga buwitreng nakaabang sa mga namamatay na pasyente ang mga ahente ng punerarya mula sa Maynila, sa halip na galing rin sa Pasay, kaya mas mataas na presyo ng serbisyo ang binabayaran ng mga naulila.

Tsk, tsk, tsk…namatayan na nga dahil sa palpak na serbisyong pangkalusugan ng mga Calixto, naholdap pa ng mga alagang punerarya ng magkapatid na politiko.

SI TECSON ‘TUA CHAT’

WALANG pantustos sa pribadong ospital, kaya wala nang mapagpilian ang mga pobreng maysakit na taga-Pasay kundi ang tangkilikin ang ‘PATAY GENERAL HOSPITAL’.

Ito lang ang bukod-tanging public hospital sa lungsod kaya dapat lang na himaying mabuti  ng COA ang budget na inilalaan dito ng administrasyong Calixto at kung pinakikinabangan bang talaga ng pagamutan ang PDAF ni Rubiano na ibinibigay raw sa pagamutan sa nakalipas na tatlong taon.

Hirit din ng mga taga-Pasay, imbestigahan din ng COA kung para saan ang 5-porsiyentong ‘hatag’ ng mga contractor at supplier na napupunta sa tarantadong CONTACTOR na si ‘LANCHAO BIN’ TECSON sa mga project ng Pasay City Hall at ng magkapatid na Calixto.

‘Tua chat’!

JPE, SINUNGALING?

NATATARANTA na si Sen. Juan Ponce-Enrile sa pagdepensa  para mailusot ang sarili sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Sabi ng kanyang abogadong si Enrique dela Cruz, wala raw nilagdaan si Manong JPE na ano mang dokumento na naglalaan ng kanyang pork barrel sa non-government organizations (NGOs), kundi sa mga local government units (LGUs) lang.

Kung may mga empleyado siyang hindi ito sinunod at dinala ang kanyang pondo sa NGOs, sinuway nila ang senador at wala raw whistleblower na makapagsasabing nagbigay sila ng pera sa senador o humingi siya ng kickback o komisyon sa kanila.

Batay sa pahayag ng mga whistleblower sa pork barrel scam, ang chief of staff ni Manong JPE na si Gigi Reyes ang ka-deal ni Janet Lim-Napoles sa kanyang pekeng NGOs kaya umabot sa P12.8 milyon ang ibinigay na kickback para sa senador.

Iba na ngayon ang tono ni Manong JPE, taliwas na sa kanyang pahayag noong Enero 24, 2013 nang isinapubliko pa ang kanyang pagmamakaawa na bumalik sa kanya ang nagbitiw na si Reyes.

“I have to convince her to come back because in all the jobs in government that I handled since I joined government in 1966 … I delegate my powers to people that I trusted. They can sign cheques for me, they can decide for me because they know more or less how I think,” sabi noon ni Manong JPE makaraang iwanan ni Reyes nang mabulgar ang pamumudmod ng senador ng milyon-milyong pisong pamasko sa ilang piling senador.

Magtataka pa ba tayo kung bakit sumibat na ng bansa si Reyes?

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *