Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, iginiit na friends lang sila ni Sarah

SI Matteo Guidicelli ang kapareha ni Andi Eigenmann sa Galema… Anak ni Zuma na mapapanood na sa Setyembre 30 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN 2. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagtambal ang dalawa.

Una silang nagkatrabaho three years ago sa Agua Bendita na bida rin si Andi.  Happy si Matteo na nabigyan siya uli ng chance na makatrabaho si Andi.

“Unang-una po, it’s such a blessing. Gumawa kami ng ‘Agua Bendita’

three years ago so matagal kaming hindi nagkasama ni Andi sa work. Parang we’ve got through so much in three years, a lot of things. So this time around kumbaga magwo-work kami parang iba na, it’s been very different dahil nag-mature na talaga kami. Marami kaming pinagdaanan sa buhay, ganoon. So this time around it’s gonna be different, you know, more meaningful,” sabi ni Matteo.

Samantala, nilinaw ni Matteo na hindi niya nililigawan ang nali-link sa kanya ngayon na si Sarah Geronimo.

“We’re jus friends. That’s it,” sabi ni Matteo.

Ang ex-girlfriend ni Matteo na si Maja Salvador ay may bago nang karelasyon sa katauhan ni Gerald Anderson. Si Matteo ay nananatili pa ring single.

“I miss having a girlfriend, to be taken cared of, but I know, it will

come,” sambit pa ng actor.

Acting ni Rayver, lalong nag-improve sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin

WALA nang nagulat nang umamin sina Derek Ramsay at Cristine Reyes na may relasyon sila. Noon pa kasi ay alam na ng lahat na talagang sila na, ayaw lang nilang umamin.

Mag-on pa kasi noon sina Cristine at Rayver Cruz ay nali-link na ang dalawa. Madalas kasi silang nakikita na nagde-date. Pero kapag tinatanong sila kung may relasyon sila, ang lagi nilang sagot ay magkaibigan lang sila.

Hanggang mag-break sina Cristine at Rayver at si Derek ang sinasabing dahilan.

Pero ayon sa ex-lovers, walang third party sa hiwalayan nila.

Pero ngayon ngang umamin na sina Derek at Cristine na may relasyon sila, iisa lang talaga ang ibig sabihin nito  na noon pa ay talagang mag-on na sila, ‘di ba?

Hindi nga lang nila maamin ‘yun dahil that time ay committed pa si Cristine kay Rayver. At para hindi rin masabihan na nagtaksil si Cristine at nang-agaw naman si Derek, ‘di ba? Pero ganoon pa rin naman ang iisipin ng mga tao, sa totoo lang.

Pero ang maganda kay Rayver, hindi siya nagsasalita ng laban kay

Cristine. Naroon pa rin ang pagrespeto niya sa taong minsan ay minahal niya.

Speaking of Rayver, napapanood siya sa top-rating series ng ABS-CBN 2 na Bukas Na Lang Kita Mamahalinbilang anak nina Dina Bonnevie at Tonton Guttierez at kontrabida sa relasyong Gerald Anderson at Cristine. In fairness, ang husay sa serye ni Rayver huh! Maiinis ka talaga sa kanya. Tama nga ‘yung sinabi noon ni Cristine during the presscon ng said series na malaki na ang improvement ng ex-bf in terms of acting.

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …