Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christopher, ‘di pa rin kumukupas ang kahusayan

MARAMI mang magsulputang magagaling na batang artista, hindi pa rin kayang pataubin ang isang Christopher de Leon. Kitang-kita pa rin ang husay ni Boyet sa pag-arte.

Kitang-kita ito sa mga eksenang napapanood gabi-gabi sa Muling Buksan Ang Puso ngABS-CBN2. Kapuri-puri rin ang takbo ng istorya ng teleserye dahil may pasabog gabi-gabi.

Tiyak na lalong natutuwa si Enchong Dee sa itinatakbo ng istorya ng MBAP dahil lagi niyang ka-eksena si Boyet.

Sa kuwento kasi’y, nalaman nang si Boyet (bilang Anton) pala ang tunay na ama ni Leonel (Enchong). Akala nami’y lider lamang siya ng isang sindikato, pero unti-unti naming nahuhulaang mayroon kaugnayan si Anton kay Leonel dahil kakaiba ang pakikitungo niya sa binata. Unti-unti na ring lumalabas ang plano ni Anton laban kay Adelina (Susan Roces) at sa buong pamilya nito.

Tiyak na marami ang naloloka sa MBAP dahil sa bilisng istorya at gabi-gabing pasabog. Sa huling tatlong linggong natitira ng istorya, tiyak na lalong titindi pa ang mga tagpo, kaya huwag palalampasin ang bawat gabi nito.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …