Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangketa sa Baclaran nabawi ng vendors

IPINAUBAYA na ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez sa mga sidewalk vendors ang Redemptorist Road sa Barangay Baclaran nang pahintulutang muli  maglagay ng mga stalls sa naturang lansangan.

Gayonman, nilinaw ni Olivares na dalawang linya lang ng Redemptorist Road ang ipapa-okupa sa mga vendors kaya’t maluwag pa ring makakadaan sa dalawa pang lane ang mga motorista.

Ani Olivarez, hindi niya ipapa-okupa sa vendors ang bangketa sa gilid ng simbahan ng Our Lady of Perpetual Help upang maging maluwag ang daanan ng mga deboto.

Ayon sa alkalde, nagpasa ng ordinansa ang Sangguniang Panlungsod na nagpahintulot sa mga vendors na makapagtinda sa lugar hanggang matapos ang Kapaskuhan kapalit ng pagbabayad ng P1,000 kada buwan sa puwestong may sukat na isang metro kwadrado.

Bukod dito, magbabayad din ng P20 ang mga vendors araw-araw sa lokal na pamahalaan at P10 naman sa barangay na pawang may kaukulang resibo.

Inatasan din ni Olivarez ang pulisya na bantayan at huwag pahintulutan ang mga illegal vendors na gumagamit ng de-gulong na kariton na umookupa sa dinaraanan ng mga motorista.

Nilinaw ng alkalde na pansamantala lang ang pag-okupa ng mga vendors ng dalawang linya dahil binabalangkas na nila ang permanenteng solusyon oras na makumbinsi ang may-ari ng malawak na loteng pag-aari ng Asiana upang pagtayuan ng puwesto ng mga manininda.       (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …