Sunday , December 22 2024

Tourist boat lumubog 24 katao nasagip

NAGA CITY – Umabot sa 24 katao ang nasagip mula sa lumubog na tourist boat sa karagatang sakop ng Caramoan.

Kaugnay nito, nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) – CamSur na hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang nasabing tourist kaugnay sa kanilang paglalayag sa nasabing lugar.

Ayon sa impormasyon, nag-island hopping ang  mga pasahero ng MV JL, isang motorbanca, nang hampasin ng malakas na alon na naging dahilan kaya lumubog at nahulog sa dagat ang mga biktima.

Mabuti na lamang at may mga mangingisdang malapit sa lugar at nagawang sagipin ang mga biktimang kinilalang sina 1st Lt. Jardin Calapis ng Philippine Army, Dr. Rogama Calapis, Antipaz Balalay, Cecile Joy Llagas, Marivic Bojama-Loverich, Mary Jun Ramil, Voltaire Evangelista, Mario Reyes, Jovar Francisco, Roseliano Aguilar, Jr., Jake Villanueva, Gerald Candelario, Martin Culanan, Delsist Loverich, Michelle Zaragoza, Jayson Perarasin, Nadine Emberga, Gladys Gaban, Edward Gaban, Marites Ordiosa at Alma Prades, pawang mga taga-Maynila.

Tatlo naman sa kanila ang galing Bicol na sina Vanessa Bron, Angeline Anda at Analissa Balia.

Bukod sa mga nabanggit na pasahero ay lulan din ng naturang sasakyang pandagat ang limang crew na sina Emilio Lopinio, Roger Delinia, Uyani Monforte at Joseph Lara, kasama ang boat captain na si Rey Vidal.

Lahat naman ay nakasuot ng life jacket kaya walang naitalang casualty sa insidente.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *