TULOY na bukas ang kaunaunahang Rookie Draft ng PBA Developmental League na gagawin sa opisina ng liga sa Libis, Lungsod ng Quezon.
Kasali sa drafting ang 143 na manlalaro na nagpalista rito sa pangunguna ni Chris Banchero, ang point guard ng San Miguel Beer na nagkampeon sa ASEAN Basketball League noong Hunyo.
Kasama rin sa drafting ang anak ni dating PBA MVP Bogs Adornado na si Jose Marie Adornado at ang anak naman ni Nelson Asaytono na si Jerrold Nielsen Asaytono.
Unang pipili sa drafting ang Cafe France, kasunod ang Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Big Chill, Blackwater Sports, NLEX, Cagayan Valley, Hogs Breath Cafe at Jumbo Plastic.
Pakay ng Cafe France na kunin si Banchero ngunit mas gusto niyang maglaro sa Blackwater at sisikapin ng Elite na magkaroon ng trade para kunin ang kanyang serbisyo.
Magsisimula ang drafting sa alas-2 ng hapon.
Hahataw ang 2013-14 season ng PBA D League sa Oktubre 24 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Nagdesisyon ang PBA na magkaroon ng drafting ang D League para balansehin ang kompetisyon dulot ng pag-domina ng NLEX sa liga.
(James Ty III)