Narito ang karagdagang gabay ninyo na aming nasilip nitong Lunes sa pista ng SLLP. MAYUMI – masusubukan na ang kanyang taglay na kundisyon sa susunod na laban niya. BUENA FORTUNA – tila nataranta ang nagdala sa huling 150 metro ng laban. PALAKPAKAN – abangan pagbaba sa grupo ng CD-1C. BLUE MATERIAL – sakto at sukat ang remateng nagawa sa kanya ni Ayie Tancioco.
HIEROGLYPHICS – huwag basta iiwan hanggat nasa kamay ni Bornok Borbe Jr. TAIL WIND – medyo hindi sila tugma nung nagdala sa kanya. IMMACULATE – halos pameta na lamang inabutan. HOT – sa parada pa lang ay negatibo na. SHOEMAKER – animo’y nasa isang shoe expo lang na naka-display.
UNICA CHAMP – nakasolong taga ng laban. POT POT’S LOVE at VICE EDWARD – animo’y mga nasa barrier trial lang sumali. CLASSIC PLAY – napabor ang ikli ng distansiya, solo ayre at lamig ng panahon. Congrats kay Sir Wilbert T. Tan. BEST GUYS – medyo malayo ang pinanggalingan at nasegunda pa. STATE OF THE ART – tila nauupos pagsungaw ng rektahan. QUEEN RAMFIRE – nagmistulang reyna sa grupo na inalalayan sa likuran.
MISTAH – tila nanakit ang likuran sa maraming talbog na inabot niya sa nagdala. HOT MOMMA – mas iba talaga ang kilos niya kapag sa pista ng Sta. Ana Park. SEMPER FIDELIS – nakatagpo rin ng laban na pabor sa kanya kabilang ang hineteng sumakay, kaya malayong nanalo. ANDALUCIA – tila may inaabangan na tamang pagkakataon ang isang ito.
SANGANDAAN – gamay talaga ni Mark Alvarez. DOCTOR CHOICE – malapit ng gamutin ulit ang ating mga bulsa. VERGARA – isama lang palagi at nasa diskarteng palaban siya.
Fred Magno