PAGKAMAHAL-MAHAL ng TOLL FEE sa South Luzon Expressway (SLEX) pero KULELAT na KULELAT ang serbisyo nila kompara sa North Luzon Expressway (NLEX).
At napakalaki rin ng diperensiya sa presyo ng TOLL FEE nila. ‘Di hamak na mas mura ang toll fee sa NLEX kaysa SLEX.
Maraming kaBULABOG natin sa Laguna ang matagal nang nagrereklamo at nagte-text sa atin sa perhuwisyong dinaranas nila dahil hindi binubuksan ng SLEX ang kanilang Southwood Exit.
Alas-otso (8:00) na ng umaga ‘e isang booth pa lang din ang nakabukas!
Hindi na nga nakatiis ‘yung mga kaBULABOG natin kaya itinanong nila kung bakit ‘yung dalawang booth nakatengga pa rin.
Ang sagot daw ng guard, “SIRA PO.”
Sonabagan!!! Leche kayo!!!
Grabe ang taas ng TOLL FEE ninyo tapos hindi ninyo ma-maintain nang maayos?
Hindi n’yo man lang ba nate-CHECK kung sira, dispalinghado o dapat nang palitan ang mga gadget ninyo d’yan sa mga booth ninyo?!
‘E tuwing Lunes na lang ‘e naiimbiyerna ang mga commuters at motorist sa KAPABAYAAN ninyo?!
Wala kayong sinabi sa management at maintenance ng NLEX.
Regular ang paglilinis ng highway, kaya kahit maliit na lubak pa lang ay agad nang naaayos.
Efficient ang traffic advisory. Nasa Balintawak ka pa lang ay mababasa mo na kung saan nagma-mass-up ang volume ng mga sasakyan.
Kung mayroon mang aksidente, napakabilis ng RESPONDE.
E d’yan sa SLEX, kapapasok mo palang sa toll gate, sumasakit na ang ulo mo kasi nakikita mo na ang buntot ng traffic jam.
Aba ‘e kung hindi ninyo kayang i-manage ‘yang SLEX, ibigay na ninyo sa iba ‘yan …
Hindi na kayo nakatutuwa at lalong hindi kayo nakatutulong …
Isa na kayong malaking PERHUWISYO! Pakengsyet!!!
SCOOT!
KANINO NAKA-TONGPATS ANG ILLEGAL TERMINAL SA EDSA cor. ROXAS BLVD?
ISANDAANG araw pa bago mag-PASKO pero ibang-iba na ang pakiramdam ng mga TONG-PATS sa illegal terminal d’yan sa kanto ng EDSA at ROXAS BLVD (sa ilalim ng tulay) sa Pasay City.
‘E kasi ba naman, ARAW-ARAW PASKO sa kanila.
Sa laki ba naman ng TONG-PATS na nakukuha nila d‘yan paanong hindi nila mararamdaman agad ang PASKO.
Mahina ang P50 mil TONG-PATS kada LINGGO ng Kamaganak Inc.
Matapos makopo raw ng KAMAGANAK Inc., ang tongpats sa mga illegal terminal at kolorum, na talagang pinaghati-hatian na ang ‘pagkakakitaan’ d’yan sa lungsod na pinamumunuan ni Mayor Antonino Calixto ay lalong naging talamak ang mga illegal terminal.
Mayor To-Calix, hindi ka ba naman nabubukulan ng KAMAGANAK Inc.,sa mga kolek-TONG nila d’yan sa mga illegal terminal sa Pasay lalo na sa kanto ng EDSA at Roxas Boulevard?
‘E kasi wala kang KAKIBO-KIBO na parang wala kang nalalaman Mayor.
Wala ka nga bang ALAM?
Tsk tsk tsk …
DSWD WALANG FORESIGHT?!
‘YAN ang madalas nating napupuna sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Considering na sana ay eksperto sila sa iba’t ibang uri ng sitwasyon lalo sa panahon ng ‘EMERGENCY.’
Hindi man lang ba na-anticipate ni Secretary Donky éste’ Dinky Soliman na lalala ang sitwasyon sa Zamboanga?
Hindi man lang ba niya nabilang kung ilan ang mga residente sa bawat barangay at hindi man lang ba niya na-scout kung saan-saan lugar pwedeng maglagay ng evacuation center?!
Hindi ba dapat ay may kapangyarihan ang DSWD na kontrolin ang government food agencies sa ganitong mga panahon para tiyakin na hindi magugutom ang evacuees?!
‘Eto na naman tayo, ‘BASIC TASK’ lang naman ‘yan Secretary Dinky.
Hindi naman unexpected task ‘yan ‘di ba?
Hanggang kailan kaya ninyo pakakainin ng INSTANT NOODLES at 3 lata ng sardinas ang evacuees?
Kapag minamanas na sila o kaya kapag naapektohan na ang kidneys nila?
Madam Dinky, hindi ba’t MILYON-MILYON ang pondo ng DSWD at priority agency kayo under Noynoy’s administration?
ANYAREEEE?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com