Saturday , December 21 2024

QCPD Press Corps induction, matagumpay dahil sa inyo

MATAPOS ang dalawang beses na pagkakaliban ay nairaos na rin ang panunumpa ng mga bagong halal na mga opisyal ng Quezon City Police District Press Corps (QCPDPC).

Hindi lang basta nairaos kundi naging ma-tagumpay ang ginawang induction ceremony para sa mga opisyal para sa taon 2013 hanggang 2014 na ginanap sa Shangri-La Finest Chinese Cuisine sa panulukan ng West Avenue at Times St., Barangay West Triangle, Quezon City nitong Setyembre 13, 2013..

Naging matagumpay ang masayang selebrasyon hindi lamang dahil sa magagaling na-ting emcee na nagdala sa programa – sina Jeff Caparas at Benjie Durango kapwa nanumpang Director ng QCPDPC, kundi dahil sa mga dumalong mga kagalang-galang na panauhin panda-ngal tulad nina Chief Supt. Richard Albano, QCPD District Director; Dr. Victor Endriga, City Admi-nistrator ng QC Hall; G. Benny Antiproda, pre-sident, National Press Club (NPC).

Hindi naman nakarating ang ating mahal na alkalde ng Kyusi dahil sa biglaang lakad na hindi maiwasan ngunit si Dr. Endriga ang tumayong representante ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Maging ang kaibigan ng lahat na si G. Jerry Yap, chairman ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) ay hindi rin nakadalo dahil sa hindi maiwasang pangyayari o biglaang importanteng lakad.

Bagaman, ang kapwa kaibigan na sina Bistek at Jerry ay nagpaabot ng pagbati sa lahat at humiling ng paumanhin . Okey lang iyon mga bro.

Dumalo naman sina NPC Directors Tina Maralit at Renato “Nats” Taboy maging ang kaibi-gan kong si Dr. Joie Sinocruz, ang Chief of Staff ni Dr. Endriga.

Pero higit sa lahat kaya naging matagumpay ang naturang okasyon ay dahil sa mga pulis na pinarangalan ng QCPDP. Pinarangalan ang mga babanggitin natin mga pangalan hindi base sa pagkakakilala sa kanila kundi base sa kanilang trabaho at “accomplishments.”

Katunayan, ang okasyon na naging  masaya at matagumpay ay hindi po para sa amin mga bagong halal o re-elected officials ng organisas-yon kundi para sa magagaling na opisyal at kagawad ng QCPD. Sabi ko nga sa aking maikling pananalita nitong nakaraang Biyernes  na hindi ang aming panunumpa ang highlights ng okas-yon kundi ang mga pinarangalan.

Ang mga pinarangalan ay sina Gen. Albano para sa maayos at tahimik (general result ‘ika nga) na SONA ni Pangulong Aquino at para rin sa matagumpay na  kampanya laban sa krimina-lidad sa Quezon City simula nang maupo nitong Enero 2013. Laking pasasalamat nga ng heneral dahil sa hindi niya inaasahang parangal sa kanyang talumpati ay ilan beses niyang binanggit na kung hindi sa mga mamamahayag ay wala rin ang matagumpay na kampanya ng QCPD laban sa kriminalidad. Gayondin ang kanyang pagpapasalamat sa mga opisyal at tauhan niya sa QCPD na kung hindi rin sa kanila ay wala ang naturang parangal na kanyang tinanggap para sa matagumpay na giyera laban sa masasamang loob.

Ilan pa pinarangalan ay sina Supt. Norberto Babagay para sa mga accomplishement niya noong hepe pa siya ng Galas PS 11; Supt. Pedro Sanchez para sa mabilisang pagresponde sa paglikida kay Maconacon, Isabela Mayor Erlinda Domingo, kung kaya agad na naaresto ang isa sa suspek sa crime scene; C/Insp. Rodelio Marcelo, CIDU chief para sa malalaking kasong hawak ng dibisyon niya na agad din nalutas sa tulong ng kanyang mga opisyal at tauhan kaya pinarangalan din sila.

Ops, marami pa pong mga pinarangalan pero hindi po magkasya ang espayo natin kaya sa Huwebes ay aking itutuloy ang talaan ng mga pinarangalan natin. Hindi lang po mga opisyal na binigyang halaga ng press corps kundi maging ang mga kagawad din. Tulad nga po ng nabanggit, ang lahat ay base sa accomplishment at hindi sa pagkakaibigan o pagpapakilala sa mga pulis.

Uli, ang induction ceremony ay naging ma-tagumpay dahil sa mga dumalo at lalo na sa mga suporta nito pero higit sa lahat ay dahil sa mga pinarangalan.

Congratulations sa inyong lahat.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *