UMANI ng katakot-takot na pang-ookray ang pilot episode ng isang primetime series ngGMA, to think na ang direktor na nasa likod nito is no less than the film director par excellence na si Laurice Guillen.
Iisa ang opinyon ng mga nakapanood nito: pinaglumaan na raw ang plot.
Out of sheer curiosity, tinutukan namin ang pagsisimula ng naturang teleserye. Na-establish na agad ang karakter ni Emma (Ina Feleo) na namasukang katulong na nabuntis ng kanyang among si Roel (Gary Estrada) na isang babaero.
Ayon sa maraming reporter who were just as eager to watch a Laurice Guillen teleserye, desmayado sila sa antigong plot nito na napaglipasan na ng panahon given these modern times.
What is even more ironic daw, si Laurice nga ba ang direktor nito?
Personally, hindi namin kabisado ang filmography ni direk Laurice, yet among her body of work ay dalawa roon—sa magkahiwalay na henerasyong malaki ang pagitan—deserve more than mere citations sa buong kasaysayan ng pelikulang Filipino: Salome at Tanging Yaman.
Pardon our ignorance, first time bang magdirehe si Laurice sa TV?
Given the flak, gusto naming isipin na una, there lies a difference somehow when one directs a movie as opposed kung magdidirehe siya ng isang teleserye.
Pangalawa, sa pagkakataong ito’y nais naming idepensa ang isang Laurice Guillen. Should she be faulted for a material na ayon sa majority ng press ay luma? Isn’t this the concern ng mismong scriptwriter nito to give his material a “new look” na angkop sa makabagong panahon?
Why heap the blame on direk Laurice? Bakit ang sinasabing “kabobohan” ng kuwento ay ang premyadong direktora ang dapat managot?
Unang linggo pa lang naman mula nang umere ang teleseryeng ‘yon, there must be some new twists to it to address the concern na hindi ‘yon kasingtanda ng mga senior cast member nito.
Personally, ang telesreyeng ito is a welcome breather sa pagtatapos—finally!—ng teleseryeng tinampukan ni Louise de los Reyes na kahit gumanda na mula sa kanyang pangit na hitsura sa kuwento ay iisa lang ang “kurso” bilang atake sa kanyang papel: Hagulgol School of Acting.
Na wala namang kadating-dating.
Ronnie Carrasco III